Sa kabila ng mga reklamo PALASYO ITINANGGING SINIBAK SI HERBOSA

ITINANGGI ng Malakanyang na inilagay sa preventive suspension si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa dahil sa ga-bundok na kontrobersiya na bumabalot dito. “From OP (Office of the President) and OES (Office of the Executive Secretary), wala po as of now na suspension of Sec. Ted,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang. Si Herbosa ay napaulat na nahaharap sa ilang reklamo, kabilang na ang di umano’y kaso na isinampa laban sa kanya ng mga empleyado ng DoH…

Read More

Tensyon sa ‘Pulong Diyablo’ DEMOLITION TEAM INULAN NG BATO SA TONDO

MAKARAANG paulanan ng bato ng mga residente ang demolition team, natuloy pa rin ang paggiba sa mga kabahayan sa Jose Abad Santos Avenue malapit sa Antipolo St., Tondo, Manila nitong Huwebes ng umaga. Dala ang court order, sinimulang gibain ng demolition team ang mga kabahayan sa lugar ngunit sinalubong sila ng umuulan na mga bato at bote, gayundin ang nagrespondeng mga tauhan ng Jose Abad Santos Station 7 ng Manila Police District. Bunsod nito, sumaklolo ang mga miyembro ng District Mobile Force Battalion, Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) SWAT…

Read More

2 TULAK, LOLA TIMBOG SA DROGA

NABITAG ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Mesa Police Station 8 ng Manila Police District, ang isang 49-anyos na target ng operasyon gayundin ang dalawang umano’y kasabwat nito kabilang ang isang 62-anyos na lola, sa ikinasang anti- illegal drug buy-bust operation nitong Huwebes ng madaling araw sa Barangay 592, Zone 58, Sta. Mesa, Manila. Kinilala ang target ng operasyon na si alyas “Allan”, tubong Surigao Del Norte, at nanunuluyan sa Sta. Mesa. Arestado rin ang dalawang umano’y kasabwat nito na sina alyas “Alfred”, 26, at…

Read More

KASO NG MISSING SABUNGEROS PASOK SA EJK – SOLON

PASOK sa Extrajudicial killings (EJK) ang kaso ng mga nawawalang sabungero na sinimulang silipin ng House committee on human rights at nakatakdang isalang sa full blown investigation ng Quad Committee. Ito ang nabatid kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa isang panayam kung saan nilinaw nito na hindi lamang ang mga biktima ng EJK sa war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pwedeng ipasok sa kategoryang ito. “The means by which these people are being killed and murdered and disposed off, again that’s the classic case…

Read More

CURFEW IPINATUPAD SA FORT BONIFACIO

NAGTAKDA ng oras ng curfew para sa mga menor de edad ang barangay Fort Bonifacio magmula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw. Ayon kay Barangay Captain Sonny Vertulfo, ng Fort Bonifacio, pinagbabawal na lumabas ng bahay at gumala ang mga may edad 18 pababa sa loob ng oras ng itinakdang curfew. Gayunman, nilinaw ng barangay na papayagang lumabas ang mga menor de edad na may kasamang magulang o legal guardian at may sapat na dahilan. Sinabi ni Vertulfo na ang curfew ay hindi lamang simpleng pagbabawal, kundi isang…

Read More

EXPANDED PENSION SA LAHAT NG SENIORS ISINUSULONG NI VILLAR

INIHAIN ni Senador Mark Villar ang Senate Bill No. 95 o Universal Social Pension for Senior Citizens na naglalayong magbigay ng pantay na pensyon sa lahat ng nakatatanda, anoman ang kanilang estado sa buhay. Sa ilalim ng panukala, lahat ng senior citizen ay makatatanggap ng buwanang stipend na hindi bababa sa ₱500, at tataas ito sa ₱1,000 sa loob ng limang taon, kahit pa mayroon na silang natatanggap na ibang pensyon. Binigyang-diin ni Villar na panahon nang amyendahan ang Republic Act No. 7432 upang matugunan ang mabilis na paglaki ng…

Read More

OFW SA SAUDI ARABIA HILING AGARANG REPATRIATION

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG sa OFW JUAN sa Saksi Ngayon ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho bilang hospital cleaner sa Saudi Arabia, upang manawagan ng tulong para makauwi agad sa Pilipinas dahil hindi umano siya maayos na pinasasahod ng kanyang employer. Kinilala ang OFW na si Jhayzell Marasigan Vito, 28-anyos, dalaga, at kasalukuyang naka-deploy sa Abha, Saudi Arabia. Dumating siya sa nasabing bansa noong Nobyembre 30, 2024 sa pamamagitan ng lokal na ahensya na Sun Hikkari at foreign agency na Geha Company. Ayon sa…

Read More

SENADO BUBUWAGIN SA BAGONG KONSTITUSYON

DPA ni BERNARD TAGUINOD KUMAKALAT ngayon sa social media ang draft ng bagong Saligang Batas na tuluyang bubuwag sa Senado dahil magiging unicameral ang sistemang isinusulong ng mga nasa likod ng pag-amyenda sa 1987 Constitution. Sa ilalim ng bagong saligang batas, Parliament na ang gagawa ng batas kung saan ang mga miyembro nito ay ihahalal sa 254 parliamentary districts na ngayon ay tinatawag nating congressional district. Hindi na sila tatawaging congressmen kundi MP as in Members of the Parliament. Magkakaroon pa rin ng 76 sectoral representatives na tulad ng party-list…

Read More

THESIS SA PRESYONG LIMANG LIBO

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAINGAY ang usapan online lalo na sa X tungkol sa isang content creator na tinatawag ang sarili niysang “Your Thesis Bestie.” Hayagan niyang sinabi na nag-aalok siya ng serbisyo para gumawa ng thesis. Kapalit ng limang libong piso, ginagamit niya ang ChatGPT para buuin ang mga research paper ng mga estudyante. May mga video pa siyang ipinakikita kung paano niya ito ginagawa. May mga natawa, marami ang nagalit, at karamihan ay nagsabing hindi ito tama. Sumasang-ayon ako roon. Ipinagmamalaki rin niya na siya ay…

Read More