MAY GOBYERNO NA SA MAYNILA, MANANAGOT KAYO! – YORME ISKO

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ANAK ng tipaklong, ano’ng napala n’yo mga tolongges na nanggulo sa inaasahan na peaceful protest rally noong Linggo, Set. 21, 2025 sa Maynila – magdusa kayo sa piitan. Ok ang magpahayag ng damdamin, ng hinaing at pagtutol sa laganap na korupsyon, pero ang manira ng ari-arian ng gobyerno at ng mga establisimyento, ‘yun ang mali, at tama si Manila Mayor Isko Moreno, sila ay dapat na panagutin, kasi vandalism na ang ginawa ng 216 indibidwal na tangan ng Manila Police District (MPD). Sa bilang…

Read More

MAKATI EXPRESS CARGO NAGTAYO NA NG PANIBAGONG KUMPANYA

RAPIDO ni PATRICK TULFO ISANG nakababahalang impormasyon ang natanggap natin na nagtayo ng panibagong cargo business itong Makati Express Cargo. Ang Makati Express Cargo ay sentro na ngayon ng reklamo sa amin ng mga kliyente nito, matapos na pumalyang maihatid nito ang balikbayan boxes na ipinadala sa kanila. Sa aming panayam kay Mandeep Singh Bendi, ang nagpakilalang Country Manager ng Makati Express sa bansa, inamin nito na kasalanan ng kanilang kumpanya ang problema na kinahaharap nito ngayon. Sinabi nito na ang pagkamatay ng may-ari ng kumpanya na si Saheed ang…

Read More

GREEN CRESCENT MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG panibagong kaso ng pang-aabuso at kapabayaan ang muling isinumbong sa ating OFW JUAN sa Saksi Ngayon, ng ating kababayang overseas Filipino worker (OFW) na si Noyme Olano Silvestre, 33-taong gulang, mula sa Khamis Mushait, Saudi Arabia. Si Noyme ay nagtungo sa Gitnang Silangan sa pamamagitan ng Green Crescent Manpower International Inc. sa Pilipinas at itinalaga sa ilalim ng Qimat Alamal Group of Agency bilang foreign principal. Ngunit imbes na makahanap ng mas maayos na kabuhayan, hirap at panganib ang kanyang dinanas. Ayon…

Read More

Para sa mabilis na hustisya 11 BAGONG KORTE ITATAYO SA DAVAO CITY

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 12307 na nagtatatag ng 11 karagdagang sangay ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC) sa Eleventh Judicial Region sa Davao City. Nilagdaan ang RA 12307 noong Setyembre 18, na nag-aatas sa Korte Suprema na magtalaga ng branch numbers at tiyakin ang agarang pagpapatakbo ng mga bagong korte sa koordinasyon ng Department of Justice (DOJ). “The Supreme Court shall issue the necessary rules and regulations for the effective implementation of this Act and, if warranted, the realignment of seats and existing…

Read More

Bagong poverty threshold pinalagan ng kongresista: P84 CHALLENGE KAY BALISACAN

HINAMON ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando si Department of Economic Planning and Development (DepDev) Secretary Arsenio Balisacan na subukan mismo ang inilabas ng kanyang ahensya na bagong poverty threshold na nagsasabing ₱84 lang ang kailangan ng isang tao para sa pagkain sa isang araw. Sa deliberasyon ng 2025 House General Appropriation Bill (HGAB), binanggit ng DepDev na ang food poverty threshold ngayong taon ay nasa ₱12,832 para sa isang pamilya na may limang miyembro, o katumbas ng ₱422 kada araw. Kung hahatiin sa bawat miyembro ng pamilya, lalabas…

Read More

Muling umingay sa gitna ng mga protesta KUDETA, DESTAB VS MARCOS JR. ADMIN

SA gitna ng patuloy na pag-init ng usapin sa umano’y multi-bilyong anomalya sa DPWH flood control projects at sunod-sunod na anti-corruption protest, bigla ring lumutang ang isyu ng destabilisasyon at umano’y planong kudeta laban sa administrasyong Marcos Jr. Pero agad itong ibinasura ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa inilabas na pahayag, mariing itinanggi ng AFP ang mga kumakalat na espekulasyon hinggil sa posibleng kudeta o destabilization plots laban kay Pangulong Marcos. “The Armed Forces of the Philippines (AFP) rejects malicious narratives about supposed plans to unseat…

Read More

WALANG PASOK: METRO MANILA, ILANG PROBINSYA

BUNSOD ng inaasahang malakas na ulan at hagupit ng hangin mula kay Severe Tropical Storm “Opong”, sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa klase at trabaho sa gobyerno sa iba’t ibang lugar sa bansa bukas, Biyernes, Setyembre 26, 2025. Ayon sa Memorandum Circular No. 102, walang pasok sa lahat ng antas at walang trabaho sa gobyerno sa Metro Manila, Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Masbate, Romblon, at Sorsogon. Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Aklan, Albay, Antique, Batangas, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Capiz, Cavite, Catanduanes, Guimaras,…

Read More

Dating close-in security kumanta ROMUALDEZ, ZALDY CO HINATIRAN NG MALE-MALETANG PERA

(DANG SAMSON-GARCIA) IBINUNYAG ng dating close-in security ni Cong. Zaldy Co na tatlong beses kada linggo silang nagdedeliber ng pera—na tinawag niyang “basura”—sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez. Sa pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Orly Regala Guteza na mula nang ma-hire siya bilang security detail ni Co noong Disyembre 2024 hanggang Agosto 2025, naging regular ang paghahatid ng pera. Ibinulgar din niya na si Cong. Eric Yap ay naghatid ng 46 maleta ng pera sa bahay ni Co—bawat isa’y naglalaman ng tig-P48 milyon. Aniya, 35…

Read More

LAHAT NG AHENSYA PINAGHANDA SA PAGTAMA NG BAGYONG OPONG

INIUTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang kahandaan laban sa nagbabantang pananalasa ng Severe Tropical Storm Opong (Bualoi). Sa kautusan ng Pangulo, itinaas ng DILG ang heightened alert sa lahat ng LGUs, lalo na sa mga lugar na direktang tatamaan ng bagyo. Nasa Alert Level Charlie (Red) ang 16 na lalawigan na posibleng hagupitin ng matinding ulan at hangin: Albay, Bataan, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, Laguna, Marinduque, Masbate, Metro Manila, Northern Samar, Occidental…

Read More