4-ANYOS PATAY SA PALO NG INA

CAVITE – Trahedya ang sinapit ng isang 4-anyos na batang babae matapos umanong bugbugin hanggang mamatay ng sariling ina sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City nitong Martes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Crystal, habang hawak na ng pulisya ang ina nitong si Beverly, 23, na sasampahan ng kasong parricide. Ayon sa mga kapitbahay, nakita nilang pinaghahampas ng ina ang kanyang anak gamit ang matigas na kahoy. Makalipas ang ilang minuto, humingi ng tulong ang suspek para isugod sa ospital ang bata dahil hindi ito na gumagalaw at humihinga. Ngunit…

Read More

2 PUMASLANG SA TRANSGENDER ARESTADO SA TONDO

ARESTADO ang dalawang lalaki na suspek sa pagpatay ng isang transgender sa Valenzuela City sa isinagawang hot-pursuit operation ng pulisya sa Tondo, Manila. Ayon kay Valenzuela Police acting chief, P/Col. Joseph Talento, ang mga naaresto ay kinilalang sina alyas “Coy-Coy”, 27, helper, at “Jay”, 27, construction worker, kapwa residente ng Tondo, Manila. Ayon sa ulat, dakong alas-11:20 ng gabi noong Setyembre 22, 2025 nang madiskubre ang nakahubad at walang buhay na biktimang si alyas “Christine”, 44, therapist, sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa Brgy. Malanday at may mga saksak…

Read More

Patay sa lumubog na fishing boat umakyat sa 7, 6 MANGINGISDA NASAGIP NG NAVY AT COAST GUARD

INIHAYAG ng Philippine Navy na nailigtas ng Northern Luzon Naval Command (NLNC), Naval Special Warfare Unit 2 (NSWU2), ang anim na tripulante ng lumubog na fishing vessel FB JHOBENZ 01, dahil sa hagupit ng malalakas na hangin at malalaking alon dala ng Bagyong Nando malapit sa Sta. Ana, Cagayan. Kasabay nito, kinumpirma ng Philippine Navy na umabot na sa pito ang nasawing mangingisda mula sa lumubog na fishing vessel matapos na makuha pa nila ang tatlong bangkay noong Miyerkoles ng hapon, katuwang ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard. Itinama…

Read More

MALVERSATION AT INDIRECT BRIBERY IKINAKASA LABAN SA MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL MESS

IKINAKASA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga reklamong malversation of public funds at indirect bribery laban sa mga opisyal na idinawit ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo sa Senado. Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, lahat ng binanggit ni Bernardo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay inirekomenda na ng NBI na kasuhan. Kasunod ito ng panunumpa ni Bernardo sa DOJ ng kanyang salaysay kaugnay ng maanomalyang flood control projects. “Yes, after evaluating everything and the supplemental affidavit… the NBI already recommended,” ani Remulla. Kabilang…

Read More

DOJ NAGLABAS NA NG LOOKOUT ORDER VS ZALDY CO

NAGPALABAS na ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ang Department of Justice (DOJ) laban kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, awtomatiko nang binabantayan ang galaw ni Co simula nang mabanggit ang kanyang pangalan sa imbestigasyon. Nauna nang inirekomenda ng NBI na sampahan ng kaso ang kongresista. Muling lumutang ang pangalan ni Co sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw matapos ibunyag ng dating security detail niya na si Orly Guteza…

Read More

MARIKINA SOLON KINASUHAN NG 2 POLICEWOMAN

NASA mainit na usapin ngayon si Marikina 1st District Congressman Marcelino “Marcy” Teodoro matapos kumpirmahin ng Department of Justice (DOJ) na may mga kasong inihain laban sa kanya sa National Prosecution Service. Ayon kay DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano, dalawang babaeng pulis na dating close-in security ni Teodoro ang nagsampa ng reklamo. Batay sa mga dokumento, ang unang reklamo ay paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code o Acts of Lasciviousness. Samantala, ang ikalawang reklamo ay Rape by Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A at isa pang kaso…

Read More

‘KICKBACK’ UMABOT SA MALACAÑANG? BERSAMIN PUMALAG

“NOT TRUE.” Ito ang mariing tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa akusasyon na tumanggap ng ‘kickbacks’ ang Office of the Executive Secretary (OES) mula sa Department of Public Works and Highways’ (DPWH) infrastructure projects. Sa ulat, nabanggit kasi ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa di umano’y anomalya sa flood control projects, na noong 2024, nakapulong niya si Education Undersecretary Trygve Olaivar para pag-usapan ang unprogrammed appropriations na sinasabing nakaukol para sa Office of the Executive Secretary (OES). Sinabi…

Read More

CHR KINASTIGO SA PAGKAMPI SA ‘HOOLIGANS’ SA LUNETA RALLY

KINASTIGO ng dating kongresista na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang Commission on Human Rights (CHR) matapos nitong ipagtanggol ang mga kabataang naaresto sa kaguluhan sa kilos-protesta laban sa katiwalian sa flood control projects. Ayon kay Barbers, imbes na kastiguhin ang mga tinawag niyang “masked hooligans,” tila pinapalakas pa ng CHR ang loob ng mga pasaway sa pagbibigay ng proteksyon at legal assistance. “Kung ang mga ‘hooligans’ na nakita sa social media at TV na nanggugulo sa Luneta, Ayala Bridge at Chino Roces Bridge noong Sept. 21…

Read More

KAILANGAN PAREHO PROPONENT AT CONGRESSIONAL DISTRICT – TIANGCO

IGINIIT ni Navotas Rep. Toby Tiangco na dapat pareho ang proponent ng proyekto at ang congressional district kung saan ito ilalagay. Ito ang posisyon ni Tiangco sa ginawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Tiangco, natuklasan niya mula sa listahan na nakuha niya kay Cong. JJ Suarez na may mga proponent na kongresista na naglagay ng proyekto sa lugar na hindi niya distrito. “Noong nakuha ko ang listahan, pinagtapat-tapat ko kung sino ang proponent at sino iyong congressional district,” wika ni Tiangco.…

Read More