DISMAYADO si DPWH Sec. Vince Dizon sa kanyang pag-iinspeksyon sa mga proyekto ng gobyerno partikular ang flood control matapos madiskubre na “super substandard” ang materyales na ginamit sa mga proyekto sa Barangay Acao, Bauang, La Union. Bukod dito, nadiskubre rin ni Dizon na hindi pa tapos at ginagawa pa ang nasabing proyekto na ini-report nang “completed” noong Marso. Giit pa ng kalihim, tila “props” lamang at peke ang proyekto kung saan ikinabit lang ang mga materyales at mga tubo. Kaugnay nito, sinisiguro ni Sec. Dizon na pananagutin ang mga nasa…
Read MoreAuthor: admin 3
Apela ng ilang Obispo TAAS-SINGIL SA NAIA SUSPENDIHIN
UMAPELA ang ilang Obispo sa mga opisyal ng gobyerno at pribadong concessionaire, ang New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC), na agad suspendihin ang pagpapatupad ng across-the board hike sa mga bayarin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) epektibo Setyembre 14, at sa halip ay nanawagan para sa kung anong ‘tunay at inklusibong konsultasyon’ sa lahat ng stakeholder sa industriya ng aviation. Ginawa ang apela sa isang “Concelebrated Mass for Guidance, Truth, and Accountability for aviation industry officials,” sa Pasay City, na pinangunahan nina Bishops Ben Labor, Aldrin Lleva, at Agustino Tangca.…
Read MoreKUMUHA NG 2025 BAR EXAMS PINAKAMATAAS SA KASAYSAYAN
INIHAYAG ng Korte Suprema na umabot sa 11,425 ang mga nakakumpleto sa tatlong araw na 2025 Bar Examinations. Ayon sa Korte Suprema, itong taon ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng Philippine Bar. Mula sa 13,193 admitted applicants, naitala rin ang record-breaking na 11,437 examinees na dumalo sa unang araw. Idinaos ang Bar Exams sa 14 local testing centers sa buong bansa, kabilang ang UST at San Beda sa Maynila, UP-BGC sa Taguig City, Ateneo de Manila sa Makati City, Saint Louis University sa Baguio, University of San Jose-Recoletos sa…
Read MoreP189.73-M DROGA NASAMSAM NG PDEA
UMABOT sa P189.73 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na bunga ng ikinasang serye ng anti-narcotics operation nitong nagdaang linggo katuwang ang iba pang law enforcement agencies ng gobyerno. Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, bukod sa bulto-bultong droga, nasa 98 drug personalities din ang kanilang nadakip mula Setyembre 5, hanggang Setyembre 12, 2025 na resulta ng 52 anti-illegal drug operations sa buong bansa. Sa pinagsama-samang ulat na ibinahagi ni Usec. Perez, mahigit isang kilo ng cocaine…
Read More3 DAYS TRANSPORT STRIKE TUTUTUKAN NG PNP
TINIYAK kahapon ng Philippine National Police na masusi nilang tututukan ang ikinakasang 3 days transport strike na papuputukin ngayong araw, Setyembre 17, 2025, sa Metro Manila at maging sa iba’t ibang urban areas sa bansa. Bukod sa planong pagparalisa ng transport sectors sa sistema ng transportasyon bilang pakikiisa sa kampanya kontra korupsyon bunsod ng nabulgar na multibillion flood control anomaly, ay binabantayan din ng PNP ang ikinakasang malawakang kilos-protesta sa Luneta sa darating na Setyembre 21, 2025. Ayon kay Acting PNP chief, PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., ipinag-utos na…
Read MorePAGGAMIT NG BGC BOYS SA CASINO INIIMBESTIGAHAN NG AMLC, PAGCOR
NAGTUTULUNGAN na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kaugnay sa imbestigasyon sa mga casino na nagagamit ng ilang DPWH officials sa maanomalyang flood control project. Sa budget hearing ng Committee on Finance para sa P333.1 million pondo ng AMLC sa 2026, kinwestyon ni Senator Raffy Tulfo kung posible ang sabwatan ng mga big-time player mula sa DPWH at mga tauhan ng casino para makapagsagawa ng money laundering. Sinabi ni AMLC executive director Matthew David na maaari itong mangyari at para masilip kung may ganitong…
Read MoreQC Judge inireklamo sa SC: GROSS IGNORANCE OF THE LAW
Nasa alanganin ngayon si Judge Ralph Lee ng Quezon City RTC Branch 83 matapos ireklamo sa Korte Suprema dahil umano sa gross ignorance of the law at paglabag sa tamang proseso. Sa reklamo ni Manuel Siquian na inihain sa Judicial Integrity Board (JIB), iginiit niyang lumabag si Judge Lee sa tamang aplikasyon ng batas kaugnay ng kaso laban sa RS Dampa Express Corp. Batay sa records, naglabas ng Stay Order si Judge Lee noong Nobyembre 20, 2024 para pansamantalang pigilan ang Writ of Execution ng desisyon ng MTC Branch 34.…
Read MorePAMBABRASO UMANO NI CO SA DA, PAGKAGAHAMAN – TIANGCO
TINAWAG ni Navotas Rep. Toby Tiangco na “kagahamanan” ang umano’y tangkang pang-aagaw ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa industriya ng isda, bukod pa sa mga kontrobersyal na proyekto nito sa Department of Public Works and Highways (DPWH). “Eto naman si Zaldy, ang dami na niyang pera. Pati legal na negosyo ng mga tao, gusto pang kuhanin. Ano ba ‘yan, hindi pa ba siya nasisiyahan?,” banat ni Tiangco sa ambush interview kahapon. Giit pa ng kongresista, garapalan na ang pagkagahaman kung pati hanapbuhay ng ibang negosyante ay gusto pang…
Read MoreNakorner na sa flood control scandal? ROMUALDEZ MAGBABAKASYON SA KAMARA
UMUGONG sa Kamara ang usap-usapan na maghahain ng leave of absence si House Speaker Martin Romualdez sa gitna ng lumalalang kontrobersya sa flood control projects. Mistulang nagmadali kahapon ang liderato ng Mababang Kapulungan na i-adjourn ang session matapos magbanta si Dasmariñas City, Cavite Rep. Francis “Kiko” Barzaga na ipadeklarang “all seats vacant,” kabilang na ang Speakership. Ayon sa ilang miyembro ng majority bloc, isa umano sa pinag-uusapan sa loob ng Kamara ang posibilidad na mag-leave si Romualdez dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyu ng flood control scam. “Pinag-uusapan…
Read More