Walang koordinasyon sa mga foreign state – Lawyer WAGE HIKE NG OFWs SA GULF PINATITIGIL SA DMW

NANAWAGAN ang isang abogada sa Department of Migrant Workers (DMW) na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng kontrobersyal na Advisory No. 25, Series of 2025 na nagtataas ng minimum wage ng mga Pilipinong kasambahay abroad mula $400 pataas sa $500. Sa sulat noong Setyembre 12, sinabi ni Atty. Rahima S. Ayunan, general manager ng Jamal Human Resource Internationale, kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac na “improper at premature” ang naturang polisiya dahil wala pang matibay na kasunduan sa Gulf states. Giit ni Ayunan, may kapangyarihan nga ang DMW na magtakda ng…

Read More

‘DI NAGKAKAISA ANG PINOY KONTRA KATIWALIAN

DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG gusto mong masira ang araw mo, magbasa ka sa social media at talagang mapipikon ka dahil imbes na magkaisa ang lahat sa laban kontra sa corruption at mga kurakot na opisyales ng gobyerno ay nagkakasiraan pa. Kaya kinakabahan ako na walang magandang resulta itong imbestigasyon sa flood control projects dahil nagsisiraan ang mga Pilipino imbes na magkapit-bisig para singilin at panagutin ang mga nagnakaw sa pera ng bayan. Sa ibang bansa tulad ng Nepal, sa loob ng anim na buwan mula nang may Gen Z…

Read More

KONSENTRASYON SA FC PROJECT ANOMALIES INVESTIGATION NAG-IIBA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKIKINITA ko na malilihis na naman at mas mababang tao ang madidiin bandang huli sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects. Mismong nanggaling sa bibig ni Pangulong Bongbong Marcos na paano kung “nag-name drop” lang daw ng mga pangalan ang nagdadawit sa maanomalyang flood control project. Isa-isahin po natin kung saan nagsimula ang pagkakabulgar sa maanomalyang flood control projects. Dati nang hinahanap ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez kung saan napunta ang flood control projects na ipinagmalaki ng administrasyon ni PBBM, dahil sa mga…

Read More

ROMUALDEZ, CO ‘HINDI SAFE’ SA BILYONG INSERTIONS

HINDI ligtas kahit ang sariling pinsan-in-law ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si House Speaker Martin Romualdez, at mga kaalyado nito gaya ni dating House Appropriations Chair Zaldy Co, sa gagawing imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Ayon sa Pangulo, malinaw ang mandato ng komisyon: “Walang sasantuhin.” “Well, there’s only one way to do it… they will not be spared. Wala tayong kinikilingan, wala tayong tinutulungan,” giit ni Marcos Jr. sa presscon sa Kalayaan Hall nitong Setyembre 15. Naiulat na sinisisi ni Navotas Rep. Toby Tiangco sina Romualdez at…

Read More

SAYANG KA, VICO SOTTO!

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MASYADONG halata na sinadyang magpalit ng liderato ang Senado para puntiryahin at alisin si Senator Rodante Marcoleta bilang chairman ng Blue Ribbon Committee. Imbes na ang tanggalin sa pwesto ay si House Speaker Martin Romualdez na idinadawit sa malawakang anomalya sa flood control projects, ay si Senator Chiz Escudero pa ang inyong inalis bilang Senate President. Ayon kay Escudero, kahit na inalis sila ni Senator Marcoleta ay nagawa nila ang nararapat na natukoy at pinangalanan ang mga nadadawit sa maanomalyang flood control projects. Duda…

Read More

BASTE MULING BUMIRA SA MARCOS ADMIN

HINDI pa rin tinatantanan ng pamilya Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos magsampa si Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte ng panibagong reklamong kriminal at administratibo laban sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno. Sa 160-pahinang affidavit na inihain nitong Lunes, Setyembre 15, sa Ombudsman-Mindanao, idinawit ni Baste sina Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, DILG Sec. Jonvic Remulla, Defense Sec. Gilbert Teodoro, NSA Eduardo Año, at iba pang opisyal. Kasama rin sa mga kinasuhan ang ilang dating hepe ng pulisya kabilang sina dating PNP Chief Gen. Rommel Francisco…

Read More

Taumbayan kailangan na magkaisa MAGNANAKAW NG PERA NG BAYAN SINGILIN *Trillion Peso March sa Set. 21

(BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG tumindig na ang sambayanang Pilipino laban sa katiwalian dahil naging bisyo na umano ng ilan sa gobyerno ang pagnanakaw sa kaban ng bayan na naging dahilan ng patuloy na kahirapan sa bansa. Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang pahayag habang naghahanda ang mga ito sa “Trillion Peso March” sa Setyembre 21, para ipanawagan na lahat ng sangkot sa “multi-trillion flood control corruption scandal” ay mapanagot. “Nailantad na ng paulit-ulit, nakasuhan na at nakulong pa ng makailang ulit ang iba, pero tila ginawa na talaga nilang…

Read More

ICI NI MARCOS KULANG SA BANGIS

NANGANGAMBA ang minorya sa Mababang Kapulungan na mababalewala lang ang imbestigasyon sa flood control anomaly dahil kulang umano sa kapangyarihan ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) na binuo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa presscon kahapon, iginiit ng Liberal Party Bloc na ipasa ang kanilang House Bill 5543 na lilikha ng mas makapangyarihang komisyon. “Mahina,” matapang na banat ni Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila de Lima sa ICI na pamumunuan ni retired SC Justice Andres Reyes Jr., kasama sina ex-DPWH Sec. Babes Singson, SGV’s Rossana Fajardo, at adviser na…

Read More

PCG MEMBER TIMBOG SA PAGBEBENTA NG LOOSE FIREARMS

PAMPANGA – Arestado ang aktibong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa pagbebenta ng loose firearms sa bayan ng San Simon sa lalawigan, iniulat ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) noong Linggo. Ang Pampanga Provincial Field Unit, kasama ang San Simon Municipal Police Station, ay nagsagawa ng buy-bust operation sa loose firearms sa Barangay San Isidro noong Setyembre 10, ayon sa isang pahayag. Nakatalaga ang suspek sa isang Coast Guard Station (CGS) sa Maynila na nahuli sa akto na nagde-deliver at nagnenegosyo ng 5.5 caliber rifle.…

Read More