HINIKAYAT ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kababaihan na umanib sa Philippine Military Academy (PMA), ang pamosong military school ng Pilipinas, kasabay ng pagbibigay papuri sa 54 female graduates ng PMA Siklab-Laya Class of 2025. Si Pangulong Marcos na nagsilbing panauhing pandangal at guest speaker sa ginanap na graduation rites sa Fort Del Pilar sa Baguio City nitong nakalipas na linggo, ay nagpahayag ng kagalakan nang malaman nitong sa 266 na kasapi ng PMA Siklab-Laya Class 2025 na nagsipagtapos, 54 rito ay mga babae. “Ang mga kababaihang kadete…
Read MoreAuthor: admin 3
2 BINARIL SA ALITAN SA PARKING
DALAWA katao ang sugatan makaraang barilin ng isang lalaki dahil sa alitan sa parking sa Barangay 103, Tondo, Manila noong Sabado ng umaga. Nahaharap ang 44-anyos na suspek na si Gregorio Tabago sa kasong frustrated murder at physical injury. Kinilala naman ang mga nasugatan si John Villanueva, 45, ng naturang lugar, at isang 20-anyos na dalaga. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Melvin Florida Jr., station commander, bandang alas-4:00 ng hapon ay nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation sa tulong ni Police Major Adobis Sugui, ng Northern Police…
Read MoreNAMAMASYAL NA ARMADO, BAGSAK SA HOYO
BAGSAK sa selda ang isang lalaki matapos maaktuhang may dalang baril habang namamasyal sa Caloocan City noong Linggo ng umaga. Batay sa ulat, nagsasagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Caloocan City Police nang lumapit ang isang Barangay Peace and Safety Officer (BPSO) at iniulat ang hinggil sa isang lalaki na may dalang baril habang naglalakad sa Pag-asa Street, Barangay 141, Bagong Barrio. Agad namang nagresponde sa lugar ang mga pulis hanggang sa maispatan nila ang suspek habang naglalakad na agad nilang sinunggaban at kinumpiska ang dalang baril na…
Read MoreRAPE SUSPECT NABITAG SA SACLEO SA NAVOTAS
NATIKLO ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panghahalay sa isang menor de edad, sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng pulisya sa Navotas City. Ayon sa ulat ni Navotas City Police chief, P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa lungsod ang presensya ng 35-anyos na suspek sa rape. Sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Intelligence Section ng Navotas City Police, nadakip nila ang suspek sa Yangco Street, Barangay Navotas East, dakong alas-5:15…
Read MoreSELLER NG NAKAW NA MOTORSIKLO SA SOCIAL MEDIA TIMBOG
LAGUNA – Timbog ang isang binata matapos tangkaing ibenta sa pamamagitan ng pag-aalok sa social media ng kanyang ninakaw na motorsiklo sa bayan ng Calauan sa lalawigan. Ayon sa report ng Calauan Police, nawala ang motorsiklo na pag-aari ng isang 33-taong gulang na babaeng daycare teacher noon pang madaling araw ng Abril 21 sa Brgy. Balayhangin ngunit hindi agad ini-report sa pulisya at inilapit na lamang sa barangay dahil sa kawalan ng pag-asang maibabalik pa ito. Subalit noong Sabado ng umaga, nadiskubre nitong naka-post at ibinebenta ng isang lalaki ang…
Read More5 BAHAY SA RESIDENTIAL COMPOUND NATUPOK
RIZAL – Limang bahay ang tinupok ng apoy sa isang residential compound sa Flora St., Brgy. Imatong sa bayan ng Pililla sa lalawigan dakong alas-7:10 ng gabi noong Sabado, Mayo 17. Ayon sa report ng BFP Pililla, nagsimula ang apoy sa isa sa mga bahay sa Ferry-Tibay-Marientes Compound V dahil sa depektibong kable ng kuryente. Kaagad nagpulasan palabas ang mga residente dala ang mahahalagang mga gamit. Agad namang nagresponde ang mga firetruck ng BFP kasunod ang mga tauhan ng Pililla Municipal Police Station upang magbigay ng seguridad at tumulong sa…
Read More1 PATAY, 4 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 TRUCK
QUEZON – Maririnig ang daing at paghingi ng saklolo ng isa sa mga sakay ng nagsalpukang tatlong truck na ikinamatay ng isang biktima at ikinasugat ng apat na iba pa sa aksidenteng nangyari sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Agad namang dumating ang mga responder mula sa PNP, BFP, MDRRMO at iba pang rescue volunteers at umabot ng mahigit tatlong oras ang isinagawang rescue operation bago nahugot ang lahat ng mga sakay ng nagsalpukang mga truck. Kinailangan pa ng mga itong gumamit ng cutting tools, mga…
Read MorePULIS, SUNDALONG PINOY ITATALAGA SA UN MISSION – DND
BERLIN, Germany — Habang dumadalo sa United Nations (UN) Peacekeeping Ministerial sa Berlin, Germany, kung saan binigyan siya ng pagkakataong ihatid ang mahalagang mensahe, inanunsyo ni defense secretary Gilberto Eduardo Gerardo ‘Gibo’ Teodoro Jr. ang pakikiisa ng mga Pilipinong sundalo at pulis bilang mga field military observer at officers na sumusuporta sa sa mga UN-mandated mission sa iba’t ibang lugar sa Mundo na may kaguluhan o digmaan. Sa kanyang mensahe sa mga dumalong lider sa pledging session ng ministerial, tiniyak ni Teodoro na magbibigay ang Pilipinas ng mga military mobile…
Read MoreDOH NAKAALERTO SA PAGSIPA NG COVID CASES SA SOUTHEAST ASIA
NAKAALERTO ngayon ang Department of Health (DOH) sa trends ng COVID-19 sa gitna ng napaulat na pagtaas ng kaso ng naturang sakit sa South east Asia. Ito ang inihayag ng DOH kasabay ng pagtiyak na nakikipag-ugnayan na sila sa pamamagitan ng nakalatag na mga mekanismo gaya ng ASEAN, na nagbibigay ng mga beripikadong impormasyon at pagpapalakas pa ng kahandaan. Sa datos ng DOH as of May 3, dito sa Pilipinas bumaba sa 87% ang mga kaso at nasawi dahil sa COVID-19 mula noong nakalipas na taon kung saan tanging nasa…
Read More