PORMAL nang iprinoklama ng Commission on Elections ang 53 nanalong party-lists para sa 63 upuan sa Kongreso sa seremonya sa The Tent Manila Hotel. (Danny Bacolod) KASUNOD ng proklamasyon ng mga nanalong party-list, inihayag ng Comelec ang planong i-overhaul ang batas patungkol sa lalahok na party-list para sa susunod na halalan sa bansa. Kasunod din ito ng target ng komisyon na ipagbawal ang paggamit ng pangalan ng teleserye o ayuda bilang pangalan ng party-list. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naniniwala silang napapanahon na para baguhin ang batas patungkol sa…
Read MoreAuthor: admin 3
LAPID IPINROKLAMANG PANG-11 SENADOR
PORMAL nang naiproklama ng National Board of Canvassers (NBOC) si Senador Lito Lapid bilang pang-11 nahalal na senador sa katatapos na 2025 elections. Si Lapid, tinaguriang Supremo ng FPJ’s Batang Quiapo ay nakakuha ng 13,394,102 votes. Kasama ni Lapid sa proclamation ang misis na si Marissa, anak na si Mark Lapid (COO, TIEZA) at mga kapatid at mga apo. Ikinagalak ni Lapid ang kanyang panalo sa ika-apat na termino bilang senador. Pinasalamatan niya ang mahigit 13 milyong botante na nagtiwala at nagbigay sa kanya ng buong suporta sa panibagong mandato.…
Read MoreAMYENDA SA MOTORCYCLE CRIME PREVENTION ACT
EDITORIAL NILAGDAAN ni President Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nag-amyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act na nag-aatas sa mga bagong may-ari na mailipat ang rehistro sa loob ng 20 working days. Nakasaad din sa batas na inuutusan ang may-ari na i-report ang bentahan sa Land Transportation Office (LTO) sa loob ng limang araw. Inamyendahan din ang Section 5 ng batas na inaatasan ang LTO na mag-isyu ng mas malaki, readable at color-coded na plaka para sa mga motorsiklo. Ang drivers na walang number plate o readable number plate ay…
Read MoreMAGANDANG BALITA PARA SA MGA KONSYUMER
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO KAPAG ganitong panahon ng tag-init, tipikal na sumisipa talaga ang konsumo natin sa kuryente kaya kung limitado lang ang budget para sa bill, talaga namang kailangang maging madiskarte sa pagtitipid. Kaya magandang balita itong inanunsyo ng Meralco nito lang nakaraang linggo na mayroong malaking bawas-singil sa kuryente. Ayon sa distribyutor ng kuryente sa Metro Manila at mga karatig na lugar kagaya ng Rizal, Bulacan, Cavite — magkakaroon ng 75 centavos kada kilowatt-hour (kWh) na tapyas sa rate. Dahil mahigit 500 kWh ang konsumo ko buwan-buwan,…
Read MoreIBABA PRESYO NG BILIHIN, SAHOD ITAAS
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NALASAP na ba sa inyong lugar ang P20/kilong bigas? Malinis at makakain nga ang P20 kada kilo na binebentang bigas sa mga Kadiwa center. Pinilahan. Patok. Kinagat. Sumasalamin sa pangangailangan ng mahihirap. Kaso, marami ang nadismaya dahil naubusan. Nagtiyaga nga namang pumila. Pero hindi umabot sa cut-off ang ilang residenteng bibili sana ng tig-P20 kada kilong bigas. Kinakapos kahit inaalok lang ang programa sa mahinang sektor kabilang ang senior citizens, solo parents, at persons with disabilities. Hindi sapat kahit ang isang benepisyaryo ay maaari lang makabili…
Read MoreTAGUMPAY NG TINGOG PARTY-LIST, TAGUMPAY NG MAMAMAYANG PILIPINO
TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG malaking tagumpay para sa mga nasa laylayan ng lipunan ang pagkapanalo muli ng Tingog Party-list sa katatapos lamang na 2025 midterm elections. Aba, isa itong malinaw na patunay na pinakikinggan at pinahahalagahan ng sambayanan ang mga partidong tunay na naglilingkod at kumakatawan sa boses ng mga Pilipino—lalo na ng mga nasa rehiyon, probinsya, at mga komunidad na matagal nang naisantabi. Sa pangunguna ng kanilang kinatawan na si Cong. Jude Acidre, muling pinatunayan ng Tingog na ang mabisang pamumuno ay hindi kailangang mapuno ng ingay,…
Read MoreMAY REKLAMO SA APPOINTEES NI MARCOS PINALALANTAD
HINIKAYAT ng isang miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang sinoman na tutol sa appointees ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na lumantad na at ihain ang kanilang reklamo sa nasabing komisyon. Ginawa ni CA Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel dahil nakatakdang isalang ang appointment ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio “Vince” Dizon II sa June 3. “The public is encouraged to submit to the CA secretariat any information, written reports, or sworn/notarized complaints regarding the appointees,” pahayag ni Pimentel. Si Dizon ay…
Read MoreROMUALDEZ BABANGGAIN NI BENITEZ SA SPEAKERSHIP?
HINDI magiging madali kay Tacloban CITY representative Martin Romualdez na makuha muli ang Speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil magkakaroon umano ito ng kalaban sa nasabing posisyon. Sa kondisyong huwag pangalanan kapalit ang impormasyong ito, sinabi ng isang mapagkakatiwalaang impormante sa Kamara de Representante na posibleng lalabanan ni Bacolod City congressman Albee Benitez si Romualdez sa pagiging Speaker of the House. “Isa siya (Benitez) sa matunog na tumakbong Speaker sa 20th Congress,” pahayag ng impormante. Si Romualdez ang kasalukuyang lider ng 19th Congress na ang termino ay nakatakdang magtapos…
Read MoreTiangco pumiyok IMPEACHMENT NI VP SARA ‘NAGPABAGSAK’ SA ALYANSA
HINDI ang pagsuko ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ang dahilan kung bakit nabigo ang Alyansa kundi ang pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte. Ito ang pagtaya ng campaign manager ng Alyansa na si Navotas Rep. Toby Tiangco kaya limang senatorial candidate lamang ang naipanalo nila at bigong makaporma sa Mindanao na balwarte ng mga Duterte. “Kung hindi natin ginawa ‘yun (Impeachment) hindi ganito kasama (ang resulta ng halalan),” paliwanag ni Tiangco. Ayon kay Tiangco, maaaring isipin ng…
Read More