INANUNSYO ng Civil Service Commission (CSC) na may 46,470 indibidwal, o 14.57% ng kabuuang examinees, ang nakapasa sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) isinagawa noong Marso 2 sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa mga matagumpay sa pagsusulit, 42,472 ang nakakuha ng Professional eligibility, habang 3,998 ang nakakuha ng Subprofessional eligibility, dahilan para maging kwalipikado ang mga ito para sa permanent appointment sa government positions, iyon lamang dapat ay ma-meet ng mga ito ang kinakailangang edukasyon, karanasan, pagsasanay at iba pang pamantayan ng kakayahan. Sa kabilang dako, ang…
Read MoreAuthor: admin 3
ZERO ELECTION RELATEDVIOLENCE SA KYUSI
IPINAGMALAKI ni Quezon City Police District (QCPD) deputy director for administration at officer-in-charge Colonel Randy Glenn Silvio na ang 2025 National and Local Elections (NLE) sa Quezon City ay nagtapos nang mapayapa at walang naitalang marahas na insidente na may kaugnayan sa halalan. Ayon kay Col. Silvio, pinatunayan lang ng magandang sitwasyon sa lungsod nitong nakaraang halalan ang halaga ng pinalakas na pagtutulungan ng QCPD, Commission on Elections (Comelec), Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard District NCR-Central Luzon (PCGDNCR-CL), Department of…
Read MoreSenator-elects pinaghahanda 20TH CONGRESS MAS MAGIGING MATRABAHO
PINAGHAHANDA ni Senador Joel Villanueva ang mga mananalong senador ngayong halalan para sa mas matrabahong Senado sa pagpasok ng 20th Congress. Ipinaalala ni Villanueva na kritikal ang sitwasyon ng mga papasok na bagong senador dahil mayroong nakaambang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Sinabi ng senador na dahil dito, hindi lang pagbalangkas ng batas ang dapat pagtutuunan ng pansin sa 20th Congress kundi ang pagganap nila bilang senator judges ng impeachment court. Kailangan aniya nilang magdoble kayod dahil hindi na lang iisa ang kanilang magiging tungkulin sa susunod…
Read More100 KILO NG SHABU NASAMSAM, 2 HIGH VALUE TARGET TIMBOG
UMABOT sa 100 kilo ng umano’y shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P680 milyon, ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang high value drug personalities. Ayon sa ulat na ibinahagi ng tanggapa ni PDEA Director General USEC Isagani Nerez, nagsagawa ng joint buy-bust operation ang kanyang mga tauhan nitong Mayo 14, 2025, sa Friendship Highway, Barangay Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga. Dito ay nadakip ang dalawang high-value targets (HVTs) at nakumpiska ang tinatayang 101 kilograms ng suspected shabu,…
Read More3 SASAKYAN INARARO NG LADY DRIVER, 7 SUGATAN
CAVITE – Pito katao ang sugatan kabilang ang babaeng driver ng isang Toyota Vios nang araruhin nito ang tatlong sasakyan sa bayan ng Noveleta sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw. Pawang nilalapatan ng lunas sa magkakahiwalay na ospital ang mga biktimang sina Larry Ilodan, Jeerso Vasquez, Henry De Guzman, Jerome Gabriel Lazo, Shgh Balwinder at Jovivon Chavez. Naka-hospital arrest naman sa Tanza Specialist Hospital ang driver ng Toyota Vios na may plakang ZGT 294, na si alyas “Hershey” ng San Rafael II, Noveleta, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-11:18…
Read MoreWaging mayor ng Davao City DUTERTE MAAARI PANG IPROKLAMA – COMELEC
INIHAYAG ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na sa kasalukuyan ay walang utos na suspendihin ang proklamasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang nanalong alkalde sa Davao City. Ayon kay Garcia, walang kautusan na isuspinde ang proklamasyon at bagama’t may nai-file na kaso ngunit hindi pa ito naira-raffle at wala pang aksyon ang division ng Comelec kaya maaaring hindi pa ito maaksyunan sa kasalukuyan. Sinabi ni Garcia, sa ilalim ng batas, maliban na lang kung may utos na suspendihin ang proklamasyon ng isang kandidato, kahit may nakabinbing…
Read MorePNP AT AFP NANATILING APOLITICAL SA ELEKSYON
ITINUTURING na generally peaceful ng Philippine National Police (PNP ) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang araw ng eleksyon nitong Lunes, Mayo 12. Sinabi ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, na walang naitalang insidente ng partisanship o political bias sa hanay ng kapulisan. Aniya, tumalima ang Pambansang Pulisya sa utos na manatiling apolitical mula araw ng kampanya hanggang sa mismong araw ng eleksyon. Ibinida rin ni Armed Forces of the Philippines chief of staff General Romeo Brawner Jr. na walang naitala sa kanilang hanay. Nagawa ng mga…
Read More3 TIMBOG SA BARIL AT SHABU SA MAYNILA
BINITBIT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District, ang target ng operasyon gayundin ang dalawang kasabwat nito, sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Barangay 701, Malate, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala nina Police Major Salvador Iñigo Jr., Officer in Charge (OIC) ng District Enforcement Unit, at Police Staff Sergeant Rommel Tungol, ang target sa operasyon na si alyas “Eyat”, 32-anyos. Kasama sa inaresto ng mga awtoridad ang umano’y dalawang kasabwat nito na sina alyas “Ana”, 27, at “Jason”, 35-anyos. Batay sa ulat…
Read MoreRAPPER, KASABWAT HULI SA GUN BUY-BUST
KALABOSO ang isang rapper at kasama nito makaraang bentahan ng baril ang CIDG poseur buyer sa ikinasang entrapment operation sa Malabon City. Kinilala ni CIDG director, Police Major Gen. Nicholas Torre III ang suspek na si alyas “Rovi”, may entertainment name na “Slick One”, dating singer ng grupong Breezy Boys. Napag-alaman na miyembro ng “Laguna Group” ang suspek na sangkot umano sa pagbebenta ng armas sa CaMaNaVa area. Kasama rin sa dinampot ang kanyang kasabwat na si alyas “Mark” sa pagbebenta ng .38 kalibre ng baril sa Paradise Village, Barangay…
Read More