DAYAAN SA MALABON, IIMBESTIGAHAN NG COMELEC

NANGAKO ang COMELEC Malabon na bibigyan agad ng solusyon ang mga panawagan ng mga nagkilos-protesta hinggil umano sa nangyaring malawak na dayaan sa Malabon City. Ang pangalawang pagkapanalo ni Jeannie Sandoval bilang alkalde ng nasabing lungsod ay inalmahan ng mga tagasuporta ni dating Congresswoman at kumandidato bilang punong lungsod na si Jaye Lacson-Noel, na nagkilos-protesta sa harap ng Malabon City Hall kinabukasan pagkatapos ng eleksyon. Ang nasabing kilos-protesta ay sumiklab kasunod ng pagkapanalo at proklamasyon ni Mayor-elect Jeannie Sandoval at ang itinuturong dahilan ay ang umano’y dayaan na nangyari sa…

Read More

ISKO-CHI TANDEM NAPROKLAMA NA

PORMAL nang naiproklama ng City Board of Canvassers ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong halal na mga opisyales ng Lungsod ng Maynila, Martes ng gabi, sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan. Sa mga magkakatunggali sa local elections sa lungsod, nag-landslide ang tandem nina Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Vice Mayor-elect Chi Atienza. Alas-8:50 ng gabi nang maiproklama ng City Board of Canvassers si Domagoso sa Session Hall ng Manila City Hall habang 9:06 ng gabi si Atienza. Muling nakuha ni Yorme ang puso ng Manileño…

Read More

BAWAS-SINGIL NGAYONG MAYO, MAGANDANG BALITA PARA SA MGA CUSTOMER NG MERALCO

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang P0. 7499 kada kWh na bawas-singil sa kuryente ngayong buwan kaya nasa P12.2628 kada kWh ang kabuuang rate para sa pangkaraniwang pamilya. “Para sa mga tipikal na customer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng P150 na bawas sa kanilang kabuuang bill. Ang bawas-singil ay dahil sa mas mababang generation at transmission charges,” ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Meralco website (www.meralco.com.ph) o ang mga opisyal na…

Read More

RESULTA NG ELEKSYON IKINAGULAT NG MARAMI

RAPIDO ni PATRICK TULFO MARAMI ang nagulat sa resulta ng ginaganap pa ring bilangan sa midterm elections noong Lunes. Dahil taliwas sa mga survey, ilang araw bago ang botohan, ay hindi tumugma ang mga ito sa lumalabas na resulta sa ngayon. Hindi na nakapagtataka kung nangunguna sa bilangan ngayon si Sen. Bong Go, dahil ‘yan ang mga lumabas sa mga huling survey. Pero ang pag-angat ni Sen. Bato Dela Rosa sa ikatlong posisyon at ang ika-anim na pwesto ni Cong. Rodante Marcoleta ang ikinagulat ng mga eksperto dahil nasa baba…

Read More

Maynila, muling dadakila: Yorme Isko

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Muli nating padadakilain ang Maynila! Ito ang ipinangako ni Isko Moreno Domagoso kasunod ng hindi na mapipigil na muling pag-upo niya bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila — na habang isinusulat ito ay tumatanggap ng pinakamalaking boto mula sa mga Batang Maynila, mga lola, lolo, single parents, PWDs at iba’t ibang sektor ng mahihirap na mamamayan. Sa huling bilang, tumanggap si Yorme Isko ng pinakamataas na botong 559,010, na tumitiyak ng kanyang panalo laban kay incumbent Mayor Dr. Honey Lacuna-Pangan na nakakuha lamang ng…

Read More

BAGONG YUGTO NG PAGLILINGKOD: TAGUMPAY NI CONG. BRYAN YAMSUAN SA PARAÑAQUE CITY

TARGET ni KA REX CAYANONG SA bawat halalan, ipinakikita ng sambayanan ang tunay na lakas ng demokrasya—ang kapangyarihang pumili ng mga pinunong sa tingin nila’y karapat-dapat mamuno at magsilbi. Kaya naman, sa lungsod ng Parañaque, malinaw na ipinahayag ng mamamayan ang kanilang tiwala, pag-asa, at paniniwala sa isang bagong pamumuno sa pamamagitan ng pagkapanalo ni Congressman Bryan Yamsuan sa katatapos lamang na halalan. Sa kabuuang 61,378 boto, tinalo ni Cong. Yamsuan si dating kongresista Gus Tambunting, na nagtamo ng 53,497 boto—isang malinaw na mandato mula sa taumbayan na naghahangad ng pagbabago…

Read More

“Magsara na kayo!” SURVEY FIRMS INANCHA NG NETIZENS

KATAKOT-TAKOT na kantyaw at panlalait ang inabot ng mga survey firm sa bansa matapos umalagwa at hindi malaglag sa Top 5 sina dating senador Bam Aquino at Kiko Pangilinan. Habang palapit ang pagtatapos ng bilangan, napagdiskitahan ng mga netizen ang mga survey firm na anila’y ginagamit lang para ikondisyon ang isipan ng mga botante at wala nang kredibilidad. Sa ginanap na national at local elections ay napatunayan anila ang matagal nang duda sa mga kompanyang nagsa-survey. Basahin ang ilan sa mga komentong nasa X: Bench: To: SWS, Pulse Asia, Octa…

Read More

ATTY. VIC RODRIGUEZ: TULOY ANG LABAN KONTRA KORUPSYON

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BAGO matapos ang bilangan sa katatapos na national at local elections ay agad nagpaabot ng kanyang taos-pusong pasasalamat si senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez sa mga taong nakasama niya sa panahon ng kampanya, higit sa lahat sa mga nagtiwala sa kanya. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nag-post si Rodriguez nitong Martes ng pasasalamat at pagtiyak na hindi siya titigil sa paglaban kontra korupsyon. Bagaman hindi pinalad sa katatapos na halalan, pinasalamatan niya ang lahat ng kumilala sa kakayahan niyang mamuno. Narito ang bahagi ng kanyang…

Read More

Comelec sa mga kandidato: 5-ARAW LANG PARA BAKLASIN CAMPAIGN MATERIALS

BINIGYAN ng Commission on Elections (Comelec) ng limang araw ang mga kandidato na tanggalin online at baklasin ang kanilang mga campaign material. Ito ay para hindi sila maharap sa election offenses base na rin sa resolusyon ng fair election act na posibleng maging dahilan ng diskwalipikasyon. Ayon kay Atty. Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec, nakatutok ang Task Force Baklas para mapanagot ang mga hindi susunod. Matatandaan pinakita ng Comelec na seryoso sila na ipatupad ang nasabing resolusyon. Sinampahan ng Task Force Baklas ng disqualification case ang mga kandidatong naglagay ng…

Read More