NAGHAIN na rin si Senador Risa Hontiveros ng resolution sa Senado na humihikayat sa Malakanyang na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon kaugnay sa human rights situation sa bansa. Sa kanyang Senate Resolution No. 867, binigyang-diin ni Hontiveros na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mismo ang nangako na bibigyang proteksyon ang human rights at tiniyak ang high level of accountability sa human rights violators. Sinabi ni Hontiveros na ang pinakamagandang paraan ng Malakanyang na ipakita ang kanilang commitment sa pangangalaga sa human rights ay ang makipagtulungan sa ICC…
Read MoreAuthor: admin 5
PH-JAPAN VISITING FORCES DEAL TINATALAKAY NA
NAGSIMULA na ang negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan ukol sa Reciprocal Access Agreement. Tinukoy ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro ang kasunduan na naglalayong payagan ang pansamantalang pagbisita ng Japanese troops sa bansa. “Our formal negotiating team led by [DND] Usec. Pablo Lorenzo has left this morning to start the formal round of negotiations with Japan,” ayon kay Teodoro. Aniya pa, ipinag-utos na niya sa team na plantsahin ang lahat ng mga usapin sa lalong madaling panahon upang sa gayon ay maagang mapagtibay ito ng…
Read MorePILIPINAS, BACK TO SQUARE ONE KUNG NANAISING BUMALIK SA ICC
NANINIWALA si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na magiging ‘back to square one’ ang Pilipinas sa proseso sakaling magdesisyon na bumalik sa International Criminal Court (ICC). Sinabi ni dela Rosa na kabilang sa proseso ang pagratipikang muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Rome Statute o ang kasunduang magbabalik sa Pilipinas sa ICC. Kailangan ding sumang-ayon ang Senado ang kasunduan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng two-thirds vote mula sa mga senador. Binigyang-diin pa ng mambabatas na sakaling umabot muli sa Senado ang kasunduan ay ipiprisinta lang niya sa kanyang mga…
Read MoreVILLAR NAMAHAGI NG COMPOSTING FACILITY
NAGLALAAN si Sen. Cynthia Villar ng taunang pambili ng composting facilities na ipinamimigay sa buong bansa ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM), attached agency ng Department of Agriculture. “Aside from the huge savings, a composting facility can help reduces the volume of trash thrown in dumpsites,” ani Villar sa turn-over at launching ng paggamit ng tatlong composting facilities sa Brgy. Zapote 5, Bacoor City, Cavite, noong Sabado. “A composting facility turns bio-degradable wastes like kitchen wastes into organic fertilizer. Each composter can produce one ton organic fertilizer per…
Read MoreHUGAS-KAMAY SI TAN5
BISTADOR ni RUDY SIM MATAPOS ibisto ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla ang umano’y katiwalian sa Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa nakalulusot na pekeng dokumento ng foreign nationals partikular ng mga Chinese, ay tila hugas-kamay naman ang hepe ng ahensya na si Commissioner Norman “Tan5” Tansingco. Kung hindi pa ibinuking ni Remulla itong raket ng ilang tiwaling tauhan at opisyales ng BI, ay hindi pa iikot ang tumbong ng mga kumag na agad umanong ipinatawag sa DOJ ngunit sa kasamaang palad ay dedma ang inabot ng mga…
Read MoreGO NEGOSYO NG QUEZON CITY
BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO KINUMUSTA natin ang ilan sa mga negosyante ng Pangkabuhayan Program ng Go Negosyo ng Quezon City. Ito ay nagsimula noong nakaraang taon, kung saan dati ay makikita mo ang ilang mga negosyante na nagkalat sa mga bangketa. Binigyan ng libreng pwesto at kapital na P20,000 at dumaan din sa pagsusuri at evaluation ang bawat benepisyaryo ng Go Negosyo Program ng Small Business and Cooperative Development promotions office, kaya ngayon ay makikita mo na sila sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Quezon. Ayon kay Mayor…
Read MorePANANAW NI CONG. ATAYDE SA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA AT PANUKALA NI CONG. FERNANDEZ LABAN SA MERALCO
TARGET ni KA REX CAYANONG DUMALO si Quezon City 3rd District Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde sa roundtable discussion ng Young Parliamentarians sa 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum kamakailan. Naging tampok dito ang kanyang pagtanggap sa makabagong teknolohiya at ang pangakong ito sa pambansang kaunlaran. Binigyang diin ni Rep. Atayde ang pangunahing papel ng digital na teknolohiya sa pag-unlad ng bansa, partikular na ang pagbuo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang pag-apruba sa “E-Governance Act.” Layunin ng mga hakbang na ito na mapabuti ang serbisyong pampamahalaan sa…
Read MoreMAGKAPATID NA SENIOR, SUGATAN SA SAGI NG VAN
CAVITE – SWAK sa kulungan ang isang van truck driver makaraang masagi ang motorsiklo na sakay ang dalawang senior citizen, nang mag-overtake ito subalit tinakasan gayunman ay naaresto ang suspek sa Gen. Trias City noong Lunes ng gabi. Kapwa nilalapatan ng lunas sa Gen Tri Doctors Hospital ang biktimang sina alyas “Ernesto”, 69, at alyas “Pedro”, 64, kapwa residente ng Brgy. Buenavista 2, Gen. Trias City, dahil sa malubhang sugat sa katawan. Kinilala naman ang driver ng isang Fuso wing van truck na may plakang NGR 2029, na si alyas…
Read More3 ‘KILLERS’ NG HIGH SCHOOL TEACHER ARESTADO
LEYTE – Naaresto na ang tatlong suspek sa pagpaslang sa isang 38-anyos na high school teacher na si Bernabe Basiano na natagpuang tadtad ng saksak sa damuhan, ilang metro ang layo sa kanyang bahay sa Tacloban City noong Sabado. Ang mga suspek ay kinilalang sina Mark Justine Conde, 23; Yasse Ivan Yu, 18, at Darwin Versoza, 18, pawang ng Barangay 68, Anibong, Tacloban. Sinampahan ang mga ito ng kasong robbery with homicide sa Office of the Prosecutors sa Tacloban. Ang nasabing mga suspek ay naaresto sa isinagawang follow-up operation ng…
Read More