17 TULAK ARESTADO SA CAVITE

SWAK sa kulungan ang 17 hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Cavite Sa Amadeo, Cavite, nadakip sa buy-bust operation ang Amadeo Drug Enforcement Unit ng Amadeo Municipal Police Station, sa Brgy. Pangil, Amadeo, Cavite ang suspek na si alyas “Ken” at nakuha ang 4 sachet ng shabu na may standard drug price na P2,652.00 at buy-bust money.

Tinatayang 1.06 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug prize na P3,468.00, ang nasamsam nang maaresto si alyas “Mimi”, sa buy-bust operation ng Cavite Component City Police Station bandang alas-2:57 ng hapon sa Cavite City Public Cemetery sa Barangay 48, Cavite City.

Sa Rosario, Cavite, bandang alas-3:20 ng hapon nang bitbitin ng Rosario Municipal Police Station matapos ang buy-bust operation sa Barangay Tejeros Convention, Rosario, Cavite ang suspek na si alyas “Nunoy” at nakumpiska ang tinatayang 0.09 gramo ng shabu na may standard drug price na P612.00.

Sa Trece Martires City, Cavite, arestado naman si alyas “Plocks” sa buy bust-operation ng Trece Component City Police Station bandang alas-4:55 ng hapon sa Brgy. Cabuco, TMC at nakumpiska ang 1.40 gramo ng shabu na may standard drug price na P9,520.

Bandang alas-5:00 ng hapon sa buy-bust operation ng GMA Municipal Drug Enforcement Unit ng GMA Police Station sa Visayas Ave., Brgy. Maderan GMA, Cavite ay arestado si alyas “Carlo” at nakumpiskahan ng 0.23 gramo ng shabu na may standard drug price na P1,564.

Naaresto naman sina alyas “Jack” at “Buboy” sa buy-bust operation bandang alas-4:40 ng hapon sa Brgy. Asis 1, Mendez, Cavite. Nakuha sa kanila ang tinatayang 1.13 gramo ng shabu na may standard drug price na P3,604.00.

Sa Rosario, Cavite, arestado si alyas “Kiko” sa buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Rosario Municipal Police Station, sa Barangay Wawa 2, Rosario, Cavite, dakong alas-5:40 ng hapon at nasamsam ang 0.26 gramo ng shabu na may standard drug price na P1,768.00.

Pasok sa kulungan sina alyas “Chad” at “Jojong” matapos maaresto sa buy-bust operation ng Trece Martires Component City Police Station sa Barangay Cabuco, TMC bandang alas-5:50 ng hapon at nakumpiska ang 1.52 grams ng shabu na na may standard drug price na P10,366.00.

Sa Naic, Cavite, arestado sina alyas “Randy”, “Louie” at “Mayo” sa buy-bust operation ng Naic Municipal Drug Enforcement Unit ng Naic MPS sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite, Barangay Ibayo at Brgy. Calubcob, Naic, Cavite bandang alas-9:00 ng gabi at nasamsam ang 0.21 gramo ng shabu na may standard drug price na P1,428.00, 0.19 gramo ng shabu na may standard drug price na P1,292.00, at 0.21 gramo ng shabu na may standard drug price na P1,428.00.

Sa Gen. Trias City, Cavite, arestado sina alyas “Roger”, “John” at “Randy” sa buy-bust operation ng Gen. Trias Component City Police Station sa Brgy. Pasong Kawayan 1, City of General Trias, Cavite bandang alas-8:00 ng gabi at nasamsam ang 0.85 grams ng shabu na may standard drug price na P5,780.00.

Arestado rin si alyas “Rampie” sa buy-bust operation ng Naic MPS sa Brgy. Palocpoc 1, Mendez, Cavite bandang ala-10:25 ng gabi at nakumpiska ang 0.52 gramo ng shabu na may standard drug price na P3,536.00.

(SIGFRED ADSUARA)

71

Related posts

Leave a Comment