MAHIHIRAP UNAHIN SA RICE SUBSIDY – MALACAÑANG

NANAWAGAN ang Malacañang sa mga lokal na pamahalaan na tiyaking ang mga mahihirap at higit na nangangailangan ang maging pangunahing benepisyaryo ng libreng bigas na ipinagkakaloob ng pamahalaan.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, dapat tiyakin ng mga lokal na opisyal na walang pinapaboran sa pagpili ng mga benepisyaryo ng programa sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF).

Kasunod ito ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapakitang muling tumaas ang bilang ng mga pamilyang nakararanas ng gutom at nagsasabing sila ay mahirap.

Tiniyak naman ni Castro na nagpapatuloy ang mga programa ng pamahalaan upang labanan ang gutom at kahirapan.

Kabilang dito ang pagpapanatili ng sapat na suplay ng mga pangunahing pagkain, gaya ng bigas at karne, upang maiwasan ang kakapusan at pagsirit ng presyo.

Umaasa ang Palasyo na maipararating ang tulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan nito at matitiyak na patas ang pamamahagi ng ayuda.

(CHRISTIAN DALE)

71

Related posts

Leave a Comment