HAWAK na ng Philippine National police ang anim na itinuturong suspek sa pagkawala ng mga sabungero sa Manila Cockpit Arena noong Enero 2022. Ang anim ay dinakip matapos ang dalawang buwang surveillance operation sa isang bahay sa Parañaque City na natunton na pinagtataguan umano ng mga kalalakihang sangkot sa pagkawala ng anim na sabungero Ayon kay PNP Chief General Acorda Jr., sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Manila RTC Branch 40, isinagawa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang inilatag na law enforcement operation laban sa mga…
Read MoreAuthor: admin 5
KELOT TIMBOG SA BARIL, DROGA SA CANDELARIA
QUEZON – Arestado ng isang lalaki matapos makita ng mga pulis na may dalang baril habang pagala-gala sa Brgy. Malabanban Norte, sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang suspek na si Pauline Argie Gaor, 28-anyos, residente ng Brgy. Mangilag Sur, Candelaria. Ayon sa report, nagsasagawa ang mga awtoridad ng monitoring and surveillance operation laban sa isang most wanted person sa kasong murder, nang maispatan ang suspek na nakatayo sa gilid ng highway at may sukbit na baril sa beywang. Agad itong siniyasat ng mga…
Read MoreLALAKING INANOD SA RIZAL, NAREKOBER SA QUEZON
NAREKOBER ng mga tauhan ng MDRRMO ang bangkay ng lalaking naanod mula sa Tanay, Rizal patungo sa General Nakar, Quezon noong Sabado ng hapon. Ayon sa ulat ng General Nakar police, natagpuan ang labi dakong alas-3:30 ng hapon sa Agos river sa Sitio Neo, Brgy. Pagsangahan. Napag-alaman, naanod sa ilog ang 53-anyos na biktima na residente ng Tanay, habang ito ay naliligo sa Sitio Old Laiban river, Brgy. Laiban, noong Setyembre 4 ng tanghali. Tinatayang nasa mahigit 30 kilometro ang layo ng kinaanuran nito sa paliko-likong kahabaan ng Agos river.…
Read MoreKONKRETONG HAKBANG PARA ISULONG ANG NUCLEAR ENERGY SA BANSA
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MATAGAL nang problema ang mataas na presyo at kakulangan ng suplay ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa katunayan, maraming residente sa mga probinsya ang umaaray sa laki ng bayarin at madalas na insidente ng mga brownout. Kaya nga may mga nagsusulong na magkaroon pa tayo ng mas maraming suplay mula sa iba’t ibang mga energy source kagaya ng renewables. Pero ang isa sa talagang napakamatunog ngayon ay ang usapin sa nuclear energy. May binubuo nang nuclear energy programme ang pamahalaan na naglalayong…
Read MoreTAMBAN FISH HATCHERY NI SEN. TOLENTINO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO ANG tamban ay isang uri ng isda na ginagamit sa delatang sardinas, na siya namang karaniwang pagkaing Pinoy. Oo nga, kinokonsidera ang tamban na pagkain ng mahihirap, ngunit ito ay pinakamurang pinagkukunan ng protina na kailangan ng katawan ng tao. Kaya nais ni Senador Francis “Tol” N. Tolentino na palakasin ang produksyon ng isda, at dahil dito ay hinimok niya ang Department of Science and Technology (DOST) na bumuo ng tamban fish hatchery at palakasin ang produksyon ng nasabing isda para sa seguridad ng pagkain Sa…
Read MoreBFAR NAKIISA SA INT’L COASTAL CLEAN-UP DAY
DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) PINANGUNAHAN ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isinagawang cleanup drive sa Barangay Tanza Uno, Navotas City. Ang aktibidad ay ikinasa kasabay ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day ngayong taon. Nanawagan naman sa publiko si BFAR National Director Atty. Demosthenes Escoto na makiisa sa mga inisyatibo na layuning pangalagaan at protektahan ang mga karagatan. Kung hindi ako nagkakamali, nasa 500 indibidwal mula sa FAR-Central Office, BFAR-National Capital Region (NCR), New Era High School, Asian Social Institute, at Lingkod…
Read MoreDAPAT LAGING HANDA
EDITORIAL ANG nangyari sa Turkey at Syria ay pwede ring mangyari sa Pilipinas. Ang sinapit ng Morocco ay maaari ring sapitin ng Pilipinas. Libo-libo ang naitalang nasawi dahil sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria noong Pebrero. Tinatayang nasa 3,000 naman ang nasawi sa 6.8 magnitude earthquake na yumanig sa Morocco nitong Setyembre 8. Ngayon, uminog muli ang tanong – paano kung ang palagay na mapaminsalang Big One ay tumama sa Pilipinas? Handa ba ang Pilipinas para sa The Big One? Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and…
Read MorePinagbibitiw sa kapalpakan DIOKNO AYAW BUMABA SA PWESTO
DEDMA si Finance Secretary Benjamin E. Diokno sa panawagan ng grupo ng mga magsasaka na magbitiw sila ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa puwesto. Nauna rito, umapela ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na magbitiw sa puwesto sina Diokno at Balisacan matapos nilang ipanukala na tapyasan ang tariff rate sa rice imports bilang tugon sa sumirit na presyo ng mga pangunahing pagkain. Si Diokno, kasama ng Pangulo sa Singapore, ay piniling huwag patulan ang panawagan sa kanila ni Balisacan na umalis sa puwesto. Nauna…
Read MoreMeeting ni LAM sa Smartmatic president binuking ni Atty. Chong ‘SMARTMAGIC’ SA 2022 POLLS
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) LALONG lumakas ang panawagan na imbestigahan ang May 9, 2022 elections dahil sa panibagong impormasyon na isiniwalat ni Atty. Glenn Chong, dating kinatawan ng Biliran sa Kongreso, na nagpapahiwatig ng iregularidad. Ilang linggo umano bago ang May 9, 2022 elections ay nakipagkita si First Lady Liza Araneta Marcos (LAM) kay Smartmatic President Roger Piñate. Sa isang press conference noong Miyerkoles (Setyembre 13), inakusahan ni Chong ang Smartmatic ng paglabag sa kontrata sa Commission on Elections (Comelec) sa pamamagitan ng umano’y pakikipagkita sa isang kinatawan ng presidential…
Read More