MISTULANG binigyang-halaga pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panonood ng F1 race sa halip na unahin ang lumalalang krisis sa bigas sa bansa. “Nakuha pa ng Pangulo na magliwaliw at maglamyerda habang nasa gitna ng krisis ang bansa. Lalong napatunayan na wala siyang pakialam at pakiramdam para sa ordinaryong mamamayan na nahihirapan dahil sa mga taas-presyo. Ganito rin ang ginawa niya noong isang taon na patakas na pumunta sa Singapore habang sinalanta ng superbagyo ang mga magsasaka,” pahayag ni KMP chairman emeritus Rafael Mariano. Bumiyahe patungong Singapore si Marcos…
Read MoreAuthor: admin 5
BBM wala pa ring solusyon PROBLEMA SA DA DINAAN SA WISH
WALA pa ring angkop na solusyon ang pamahalaan sa mga problema sa agrikultura, mahigit isang taon sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA). Ito ang lumilitaw matapos mistulang idaan na lamang ni Marcos Jr. sa wish ang mga kinakaharap na problema ng ahensya. “Maging maayos na ang agrikultura,” ang wish ni Marcos Jr. sa pagdiriwang ng kanyang ika- 66 kaarawan nitong Miyerkoles, Setyembre 13. Aniya pa, wish din niya na madetermina ng gobyerno kung ang bansa ay makararanas ng wet o dry season para malaman…
Read MoreAFP NAGHAHANDA NA PARA SA IBA’T IBANG POSIBILIDAD SA WEST PHILIPPINE SEA
NAGLALATAG na ng iba’t ibang hakbangin ang Armed Forces of the Philippines sa anumang posibilidad na mangyari sa West Philippine Sea. Kasama na rito ang posibilidad na mauwi sa armadong pag-atake ang resupply mission ng Sandatahang Lakas sa West Philippine Sea. Kinumpirma ito ni AFP Deputy Chief of Staff for Operations Navy Captain Peter Jempsun de Guzman sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense tungkol sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea. Ayon kay de Guzman, naghahanda na sila ng mga nararapat na contingency plans para sa…
Read More28 AHENSYA NG GOBYERNO HUMIHIRIT NG CONFI FUND
MAS maraming ahensya ng gobyerno ang humihirit ngayon ng confidential funds sa ilalim ng kanilang panukalang budget para sa 2024. Ayon sa ulat, may 28 ahensiya ang pormal na humirit ng confidential funds sa kanilang 2024 budget, tumaas ito mula sa 21 tanggapan na humiling para sa nasabing appropriation noong 2016. Nauna rito, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang kabuuang halaga ng “confidential at intelligence funds” sa iba’t ibang ahensya sa panukalang 2024 budget ay P10.14 billion, kabilang na rito ang P4.5 billion para sa Office…
Read MoreBINATA ITINUMBA SA ONSEHAN SA PERA
QUEZON – Patay ang isang 25-anyos na binata matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Sitio Baloboy, Brgy. Masin Sur, sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Ayon sa report ng Candelaria police, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Christopher Taliente Perez at tinatahak ang barangay road nang harangin ito ng suspek at pinagbabaril na agad nitong ikinamatay. Napag-alaman na ang biktima ay may mga dating kasong may kinalaman sa illegal drugs at robbery. Ayon kay P/Lt. Col. Bryan Merino,…
Read MoreHospital bill hindi kinaya NAKABANGGANG RIDER NAGPAKULONG NA LANG
CAVITE – Hindi kinaya ang P50,000 na paunang hospital bill kaya nagpakulong na lamang ang motorcycle rider na nakabangga sa isang mag-ina habang tumatawid sa kalsada sa Bacoor City, noong Martes ng umaga. Kapwa nilalapatan ng lunas sa Perpetual Help Hospital ang biktimang si Shirley Maturgo y Hernandez, nasa hustong edad, at ang anak nitong 8-anyos dahil sa mga sugat sa katawan. Kinilala naman ang driver ng motorsiklong Kawasaki 100, na si Ronilo Pelayo y Tahor, nasa hustong edad. Ayon sa ulat, papatawid ang mag-ina sa kalsada sa Molino-Zapote Road…
Read More5 SUGATAN SA MAGNITUDE 6.3 QUAKE SA CAGAYAN
LIMA ang sugatan, dalawa rito ang nasa malubhang kalagayan, matapos yanigin ng magnitude 6.3 earthquake ang Dalupiri Island, Calayan, Cagayan noong Martes gabi. Batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) kahapon, walang reported death kasunod ng paglindol maliban sa limang nasaktan. Ayon kay Diego Mariano, pinuno ng Disaster Communications Unit ng OCD, ang lima ay iniulat na nabagsakan ng gumuhong pader. Bahagyang nasugatan lang ang tatlo, habang brain trauma at concussion ang dinanas ng dalawa. Sa huling ulat ng OCD, walang iniulat na namatay at walang naitalang major…
Read More2 SENIOR CITIZEN, APO MINASAKER SA BATAAN
BATAAN – Patay ang isang 60-anyos na babae at dalawa pang kasama nito sa bahay, sa pananaksak ng mismong live-in partner nito sa Brgy. Duale, sa bayan ng Limay sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw. Kabilang sa napatay sa insidente ang 11-anyos na apo nito at ang 70-anyos na babaeng kaanak nila na siyang may-ari ng tinutuluyan nilang bahay. Kinilala ng Limay police ang mga namatay na sina Marie Sampang, apo nito na si Eign Yoj Sampang, at ang may-ari ng bahay na si Rosita Lobaton. Ayon sa…
Read More‘CRYPTOCURRENCY KING’, ISA PA INARESTO CIDG
ISANG lalaki na tinaguriang “cryptocurrency king” na nakapanlinlang ng multi million peso sa kanyang mga biktima, ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kahapon ng umaga sa Parañaque City. Ayon kay Police Col. Thomas Valmonte, chief ng Legal Division ng PNP-CIDG, isang dragnet operation ang inilunsad ng kanilang mga operatiba laban sa inireklamong 23-anyos na lalaki na nasa likod umano ng fraud and large scale estafa. Kinilala ni P/Col. Thomas Valmonte, ang suspek na si Vance Joshua Tamayo, negosyante at residente ng Talaba…
Read More