RAPIDO NI PATRICK TULFO BAKIT kaya ayaw tanggapin ng pamunuan ng Philippine National Police ang resulta ng independent drug test ng dating Mandaluyong Police chief na si P/Col. Cesar Gerente? Muling sumailalim sa drug test si Col. Gerente matapos magpositibo ito sa paggamit ng shabu sa surprise drug test na isinagawa ng PNP noong Aug. 24 at sa kasunod na confirmatory test noong Aug. 26. Sa isang panayam, ipinakita naman ni Col. Gerente ang negatibong resulta sa magkasunod na drug tests na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong…
Read MoreAuthor: admin 5
TOP PERFORMING MAYORS SA BULACAN
DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) MARAMING mahuhusay na mga alkalde sa Pilipinas. Ang ilan ay kilala ko nang personal habang ang iba naman ay napapanood ko lang sa telebisyon. Habang ang iba ay mismong ang mamamayan nila o ang kanilang nasasakupan ang nagsasabi at nagpapatotoo kung gaano sila kahusay. Kamakailan naman, nagkasa ng independent at non-commissioned survey ang JuanPH na mayroong 10,000 respondents mula sa Bulacan upang alamin ang top performing mayors dito. Nag-number 1 si Mayor Arthur Robes ng San Jose Del Monte matapos makakuha…
Read MoreForward Negosyo handog sa mga taga-Montalban TULONG INILALAPIT NI NOGRALES SA TAO
PATULOY at walang humpay na ipinatutupad ni Congressman Fidel Nograles ang “Tulong Pinansiyal sa Montalban” para sa mga residente ng nasabing bayan. Katuwang ni Cong. Nograles sa kanyang pamimigay ng “Tulong Pinansiyal sa Montalban” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pa. Kabilang sa mga nakatanggap ng ayuda ay mahigit sa isang libong mga kapos-palad na senior citizens at persons with disabilities (PWD), kababaihan, kabataang mag-aaral at mga nawalan ng kabuhayan. Ang nasabing “Tulong Pinansiyal sa Montalban” ay sa pamamagitan ng financial assistance, medical assistance, burial assistance,…
Read MoreONLINE SELLER HINOLDAP HABANG NAGLA-LIVE SELLING
LAGUNA – Hinoldap ng dalawang lalaki ang isang online seller habang nagsasagawa ng online selling sa kanyang shop sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, noong nakaraang Lunes, Setyembre 4, makikita sa live video habang abala sa pagbebenta ng kanyang mga panindang bag at damit ang 52-anyos na biktimang si Agnes Serafica nang biglang mapahinto dakong alas-2:00 ng hapon. Nakapasok na pala ang suspek na nakasuot ng helmet. Bigla nitong itinaob ang cellphone na ginagamit ng biktima sa live selling ngunit dinig pa rin ang kanilang usapan.…
Read MoreMapayapang Barangay at SK poll matitiyak DND-AFP AT PNP POSITIBO SA PAGKAKAISA NG EX-REBEL GROUPS
POSITIBO ang pamunuan ng Department of National Defense, ang Armed Forces of the Philippine at maging ang Philippine National Police (PNP) na malaki ang maitutulong ng pagkakaisa ng iba’t ibang paksyon ng dating rebel groups para sa mapayapang Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao. Tiwala rin ang mga government security force na malaki ang magiging epekto nito para makatiyak na magkakaroon ng mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa susunod na buwan sa mga lalawigan sa Mindanao. Una nang nagpahayag ng kumpiyansa ang PNP sa pagkakaisa ng mga faction ng…
Read More3K BULAKENYO TUMANGGAP NG AICS AID
NASA 3,000 benepisyaryo mula sa mga bayan ng Balagtas, Obando at Marilao sa lalawigan ng Bulacan ang nakatanggap ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tulong ni Senator Imee R. Marcos nitong Martes, Setyembre 12, 2023. Personal na binisita ni Sen. Marcos ang nasabing mga munisipalidad para sa nasabing aktibidad katuwang ang DSWD kung saan kabilang sa mga ipinagkaloob ay AICS benefits, school bags and supplies para sa qualified residents dito. Unang pinuntahan ni Sen. Imee ang…
Read MoreBOC-CEBU AT PAOCC SANIB-PWERSA PARA SA SEGURIDAD NG KALAKALAN
TINALAKAY sa pagpupulong sa pagitan ni Bureau of Customs Port of Cebu District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, at ng mga miyembro ng Serious and Organized Crime Threat Assessments (SOCTA) Research Team ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang pagpapalakas ng seguridad sa kalakalan noong Agosto 31, 2023. Binigyang-diin dito ang kanilang hindi natitinag na pangako para tiyakin ang mabilis at ligtas na galaw ng imported goods sa lugar na nasasakupan ng Bureau of Customs-Port of Cebu. Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong ay sina District Collector Morales;…
Read MorePASKONG TUYO SA MGA PILIPINO
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO HINDI na umaasa pa ang mga Pilipino na magiging maganda ang kanilang pagdiriwang ng Pasko at Pagsalubong ng Bagong Taon ngayong 2023. Dahil hindi na rin sila umaasa na bababa pa ang presyo ng pangunahing mga bilihin sa bansa ngayong taon. Sa katunayan, sa mga palengke ng Novaliches sa Quezon City, na isa sa mga lugar sa Metro Manila na kilalang may mababang presyo ng mga bilihin, ay nananatiling mahal ang pangunahing mga bilihin. Ang sibuyas ay nananatiling nasa P160 ang kada kilo, ang…
Read More935 PULIS SINIBAK SA SERBISYO
NASA 935 erring policemen ang inutos na sibakin sa serbisyo matapos sumalang sa PNP-Committee on Disposition of Administrative Cases review ang kanilang mga kaso. Sa datos ng Philippine National Police, umaabot na sa 4,082 disciplinary cases ng mga pulis ang kanilang naresolba sa loob lamang ng walong buwan o mula Enero 1 hanggang katapusan ng Agosto ngayong taon. Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, ang mga naresolbang kaso ay nagresulta sa 935 dismissal sa serbisyo, 242 demosyon, 1,850 suspensyon, 159 forfeitures of salary, 680 reprimand, 110…
Read More