Sariling panabong pinalitan ng taring walang talim 2 SABUNGERO PUMUSTA SA KALABAN, ARESTADO

CAVITE – Nabuking ang pandaraya ng dalawang sabungero na natuklasang may inilalabang manok ngunit sa kalaban pumusta, nang mabatid na pinalitan ng tari na walang talim ang kanilang panabong sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 318 (Other Deceits) ng Revised Penal Code, ang mga suspek na sina Ronnie Marito y Del Castillo at Sherwin Remulla y Espiritu, pawang nasa hustong edad, dahil sa reklamo ng pamunuan ng Cavite Coliseum sa Revilla Business Park. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente dakong…

Read More

MAGKAPATID, PINSAN NALUNOD SA BEACH SA NEGROS ORIENTAL

NEGROS ORIENTAL – Nalunod ang magkapatid na menor de edad at isa nilang pinsan habang naliligo sa beach sa Bayawan City sa nasabing lalawigan. Ayon sa Negros Oriental Provincial Police Office, napaulat na nawawala ang tatlong biktima noong Sabado matapos na matangay ng malalaking alon habang nagpi-picnic sa beach kasama ang kanilang pamilya sa Sitio Camaya-an, Brgy. Malabugas dakong alas-2:00 ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Genealyn Primor Villagracia, 11, Helmar Primor Villagracia, 7, at ang pinsan nilang Lalance Villagracia, 7-anyos. Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang…

Read More

NAKAKA-MISS ANG ‘BAKBAKAN’ SA KONGRESO

DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI ko masisisi ang mga tao na ayaw sa unicameral system of legislation dahil hindi ginagawa ng mga kongresista ang kanilang tungkulin bilang mambabatas tulad ng pagbusisi sa mga anomalya sa national government. Kung mag-iimbestiga man sila ay pagdududahan mong may halong pulitika dahil ginagamit ang institusyon ng mga talunan sa local election at ang tatapang nila kapag local officials at ordinaryong government agency officials ang kaharap nila pero pagdating sa matataas na mga opisyal ay tiklop agad sila. Walang nagsasalita, maliban sa Makabayan bloc, as…

Read More

WILFREDO GONZALES ‘DI NA TINATANTANAN NG KARMA?

KAALAMAN ni MIKE ROSARIO ITINUTURING ngayon ng ilan na “karma” na ang inaabot ng dating pulis na nambatok at nagkasa ng baril sa siklista sa Quezon City kamakailan. Ang sinasabing karma kay Wilfredo Gonzales na dating pulis, ay ipinasasauli sa kanya ang retirement pay nito sa kanyang pagiging miyembro dati ng pambansang pulisya. Kinumpirma ni Senador Francis Tolentino na hindi pa rin ibinabalik ni Gonzales ang kanyang retirement pay kahit na ipinasasauli na ito sa kanya. Ayon kay Tolentino, may kautusan na ang Philippine National Police (PNP) kay Gonzales na…

Read More

SERBISYONG PUBLIKO MUNA TAYO

PUNA ni JOEL O. AMONGO NANANAWAGAN ang Philippine Dragon Boat Team sa may mga GININTUANG PUSO na suportahan sila para lalo pa silang makapag-uwi ng karangalan sa Pilipinas kong Mahal. Ayon kay Philippine Air Force Dragon Boat Team member PAF Retired 2nd Lt. Rodolfo Odescalsota, partikular na tinatawagan niya ay ang gobyerno. Aniya, dinadala nila ang Philippine Flag sa kanilang pakikipagkumpetensiya sa iba’t ibang bansa sa buong mundo, pero wala silang nakukuhang suporta mula sa pamahalaan. Ayon pa sa kanya, pang-world class ang Philippine Dragon Boat Team, kahit ang China…

Read More

LGUs, MARKET EXECS KATUWANG SA RICE PRICE CAP IMPLEMENTATION

SANIB-PUWERSA ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Metro Manila mayors at mga administrador ng public at private markets na tutulong sa Departments of Trade and Industry (DTI) at Agriculture (DA) para masiguro na maipatutupad ang rice price cap gaya ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Matatandaang ipinalabas ni Pangulong Marcos ang EO 39 noong Agosto 31, na may ‘mandated price ceiling’, para sa regular milled rice ay P41.00 per kilogram habang ang mandated price cap para sa well-milled rice ay P45.00 per kilogram, simula ngayon,…

Read More

P2-B ILALAAN NI SPEAKER ROMUALDEZ SA RICE RETAILERS NA APEKTADO NG PRICE CEILING

INATASAN kahapon ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Appropriations Committee ng House of Representatives na gumawa ng paraan para makahanap ng P2 bilyong pondo para ilaan sa pagbibigay ng tulong sa mga rice retailer na maaapektuhan ng price ceiling sa bigas na itinakda ng Malakanyang nitong Biyernes. Sa pahayag, sinabi ni Romualdez na partikular niyang inatasan si Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, chairman ng Appropriations Committee na agad makipag-ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) para maglaan ng P2 bilyon sa mga rice retailer. “We…

Read More

TOP 3 MOST WANTED NG NCRPO SA KASONG MURDER ARESTADO

NABITAG ng mga operatiba ng Anti-Terrorist Section ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang 29-anyos na Top 3 most wanted person sa Regional Level makaraang matunton ito sa Barangay Bigaa, Sta. Rosa, Laguna, Linggo ng hapon. Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, hepe ng Anti-Terrorist Section kay NCRPO Chief BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., alas-5:30 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest sa suspek na si Marvin Panoy sa National Housing Villa, Phase 2, Barangay Bigaa, Sta. Rosa kaugnay ng kasong murder. Pinangunahan ni Police Captain…

Read More

P9.1-M FORT BRAND CIGARETTES NAHARANG SA GENERAL SANTOS CITY

MATAGUMPAY na nasabat ng Bureau of Customs (BOC), Sub-Port of General Santos, ang 17,000 reams ng Fort brand cigarettes at tatlong close van vehicles, na tinatayang P9,100,000 ang halaga noong Agosto 24, 2023, sa Brgy. Bawing, General Santos City. Ang nasabing operas­yon ay isinagawa sa malapit na koordinasyon ng Bureau’s Customs Intelligence Investigation Service (CIIS) and Enforcement Security Service (ESS), at sa pakikipagtulungan ng Task Force Gensan Bawing Detachment and Intelligence Operatives ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP). Ang items ay kinumpiska bilang bahagi ng kampanya upang pigilan ang…

Read More