LGUs, MARKET EXECS KATUWANG SA RICE PRICE CAP IMPLEMENTATION

SANIB-PUWERSA ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Metro Manila mayors at mga administrador ng public at private markets na tutulong sa Departments of Trade and Industry (DTI) at Agriculture (DA) para masiguro na maipatutupad ang rice price cap gaya ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Matatandaang ipinalabas ni Pangulong Marcos ang EO 39 noong Agosto 31, na may ‘mandated price ceiling’, para sa regular milled rice ay P41.00 per kilogram habang ang mandated price cap para sa well-milled rice ay P45.00 per kilogram, simula ngayon, Setyembre 5.

“Dahil sa kalokohan ng iilang mga tao na hino-hoard at mina-manipulate ang presyo ng bigas, galit na galit ang ating Presidente kaya ipapatupad ngayon ang mandated price ceilings sa bigas,” ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr.

Sa meeting na pinangunahan ni Abalos at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chair Don Artes, nangako ang Metro Manila local government units’ (LGU) chief executives na susuportahan ang implementasyon ng EO 39 sa pamamagitan ng kanilang local price coordinating councils at tutulong na ipalaganap at ipakalat ang EO 39.

Kaugnay nito, inatasan ni Abalos ang Philippine National Police na tumulong sa pagpapatupad ng EO 39.

(CHRISTIAN DALE)

456

Related posts

Leave a Comment