NAGNAKAW NG ADOBO TINANGAY PATI KALDERO

NUEVA VIZCAYA – Arestado ang apat na lalaki matapos tangayin ang isang kalderong adobo sa isang karinderya sa bayan ng Bagabag, sa lalawigan. Kaagad namang natimbog ang apat matapos makilala ang mga ito dahil sa kuha ng CCTV ng establisyemento. Sa nasabing footage ng CCTV, nakita na magkakasunod na dumating ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo. Isa sa mga motorsiklo ang huminto sa tapat sa karinderya at bumaba ang nagmamaneho na nakasuot ng itim na t-shirt at puting sumbrero at pumalit sa kanya ang backrider na nakasuot ng basketball…

Read More

3 MINORS ARESTADO SA MOTORNAPPING

CAVITE – Nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang tatlong menor de edad na mga estudyante na naaresto makaraang tumangay ng nakaparadang motorsiklo sa Imus City noong Huwebes ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (carnapping) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Cedric”, 15, “Levi”, 16, at “King”, 17, pawang mga estudyante at residente ng Talon, Las Piñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 noong Miyerkoles ng gabi nang iparada ng biktimang si alyas “Jim”, 26, factory worker ang kanyang motorsiklong na…

Read More

MAGDYOWANG PRANSES, PINAY NATAGPUANG PATAY SA TENT

BOHOL – Natagpuang walang buhay ang mag-live -in partner na isang French national at Pinay sa loob ng isang camping tent na itinayo sa loob ng isang pribadong subdivision sa Tagbilaran City, sa lalawigan nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa inisyal na report ng Bohol Police Provincial Office (BPPO), natagpuan ang mga labi ng French national na may edad 39-anyos, at ng Pinay na may edad 30-anyos, sa loob ng tent na itinayo sa loob ng Camella Homes sa Barangay Bool. Ayon sa BPPO, isang residente ang nagpaabot sa kanila ng impormasyon na may dalawang bangkay ng tao ang natuklasan…

Read More

COMELEC POSITIBO SA MATAAS NA OV TURNOUT SA 2025 ELECTION

UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na makakamit ang 70 hanggang 80 porsiyentong overseas voter turnout para sa 2025 midterm polls, sa pilot implementation ng internet voting. Ito ay isang malaking pagtalon mula sa 38 porsyento na overseas voters turnout noong 2022 na botohan, kung saan humigit-kumulang 600,000 lamang sa 1.6 milyong rehistradong botante sa ibang bansa ang bumoto. “That was the highest in overseas voting history. But that remains low when compared to local voter turnout. This is why we want to increase this through internet voting,” sabi ni…

Read More

‘Pag sinamahan ang anak sa bakuna EMPLEYADO EXCUSE SA TRABAHO – DOLE

INIHAYAG ng Department of Labor and Employment sa isang advisory na exempted ang mga empleyado at hindi maaaring markahang absent kapag sinamahan ang kanilang mga anak sa vaccination centers. “Employers are highly encouraged to allow their employees to be excused from work when they accompany their children on scheduled vaccinations, or when they must take care of their children with adverse effects or reactions to the vaccine on the day after the vaccination,” ayon sa DOLE. Naglabas ng abiso ang ahensya bilang suporta sa nationwide measles, rubella at oral polio…

Read More

EX-PARTNER NI POKWANG IDINEPORT NA

MATAGUMPAY na napatalsik sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang American national na si Lee O’Brian. Magugunitang noong nakaraang taon, naghain ng deportation case ang Filipino comedian na si Marietta Subong o mas kilala bilang si “Pokwang” laban sa kanyang dating live-in partner dahil sa pagtatrabaho nang walang kaukulang permit. Sa kanyang reklamo, sinabi ni Subong na si O’Brian ay nagtatrabaho sa iba’t ibang production companies nang walang permit mula sa Department of Labor and Employment at BI. Nakakita ng merito ang BI sa nasabing reklamo at inutusang i-deport…

Read More

Mas convenient na! i-Pick-Up ang iyong PSA Certificates sa LBC Sa oras at branch na gusto mo

11 APR 2024: Manila, Philippines: Nagsanib puwersa ang PSA Serbilis at LBC Express upang ilunsad ang  bagong service feature para sa pagkuha ng inyong certificates mula sa Philippine Statistics Agency (PSA). Layunin ng bagong inisyatibong ito na mas maging accessible sa mas nakararaming Pilipino ang essential government services. Sa ilalim nito, maaari nang piliin ng mga customer na nagrerequest sa PSA Serbilis website (http://psaserbilis.com.ph) ang anumang branch ng LBC sa buong Pilipinas bilang preferred pick-up location para sa kanilang PSA certificates. Ang serbisyong ito ay para sa mga kustomer na…

Read More

Mang Inasal’s ‘National Halo-Halo Blowout’ is happening this April 14

Are you ready for the much-awaited nationwide celebration of Filipinos’ love for Mang Inasal Halo-Halo? Mang Inasal is treating all customers at its almost 600 stores across the Philippines to a ₱20 discount for Extra Creamy Halo-Halo Small this April 14 through the National Halo-Halo Blowout. “We are giving all Halo-Halo lovers a level-up celebration this summer and it will begin with our National Halo-Halo Blowout,” said Mang Inasal President Mike V. Castro. “We want all our customers to enjoy the promo together with their families and friends because Halo-Halo is truly a…

Read More