(BERNARD TAGUINOD) HINDI maiaalis ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang posibilidad na alam ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pag-uudyok ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na amyendahan ang political provisions sa Saligang Batas. “Bilang bahagi din ng Marcos administration ang payo ni Larry Gadon ay lalong maglalantad na target din talaga ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabago sa political provisions ng Constitution,” reaksyon ni ACT party-list Rep. France Castro. Ayon sa mambabatas na kabilang sa 6 congressmen na bumoto ng No sa…
Read MoreAuthor: admin 5
HOLISTIC APPROACH GAGAMITIN SA PAGLUTAS SA PROBLEMA SA TRAPIKO
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang “holistic at comprehensive approach” pagdating sa pagresolba sa problema sa trapiko sa bansa. Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang na masusing pinag-usapan sa 16th full Cabinet meeting kasama si Pangulong Marcos ang problema sa trapiko. “What the President really wants is a comprehensive, holistic approach to solving the traffic problem – hindi iyong piecemeal approach ‘no as has been the case all these years ‘no,” ayon kay Balisacan. ”We had a very long…
Read MoreMula 7% ibinaba sa 6% ECO GROWTH TARGET NG PINAS BINAWASAN
KUMAMBYO ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa economic growth target para sa taong 2024. Sa katunayan, ginawa na lamang itong 6% hanggang 7% range, malinaw na bumaba mula sa nakalipas na target na 6.5% hanggang 7.5%. Ito ang inanunsyo ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang matapos ang 16th full Cabinet meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang DBCC, isang interagency body na binubuo ng mga hepe ng budget and management, finance, at socioeconomic planning, ay may atas na suriin mabuti…
Read MoreF2F CLASSES SA BULACAN 3-DAY SUSPENDED
LUNGSOD NG MALOLOS – Pansamantalang isasailalim sa tatlong araw na online classes ang lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Bulacan simula Abril 4-6, 2024 dahil sa mataas na heat index o temperatura. Ipinaalala ni Gobernador Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo na uminom ng maraming tubig, magdala ng payong kapag lalabas, at magsuot ng kumportable at magaan na damit upang makaiwas sa heat emergencies katulad ng heat cramps, heat syncope, heat exhaustion, at heat stroke kasabay ng pagpalo ng heat index forecast sa 40°C. “Kung…
Read MoreDRUG GROUP MEMBER TIMBOG SA P204K SHABU
CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang miyembro ng Timosa drug group at kapwa nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya matapos naaresto at makumpiskahan ng mahigit P200K halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Sob”, 18, at alyas “Erick”, 26, kapwa residente ng nasabing lungsod. Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO) at…
Read More200 PAMILYA APEKTADO NG SUNOG SA CEBU
CEBU – Tinatayang 200 pamilya ang naapektuhan ng sunog na sumiklab nitong madaling araw ng Huwebes sa Sitio Fatima Lipata, Barangay Linao sa bayan ng Minglanilla sa lalawigan. Ayon sa BFP Minglanilla, nagsimula ang sunog pasado alas-3:00 ng madaling araw at agad itong itinaas sa 2nd alarm. Mabilis na kumalat ang apoy at tinupok ang nasa 200 kabahayan. Ayon sa BFP, nahirapan silang apulain apoy dahil masikip ang lugar at iisa ang pasukan at labasan. Idineklara itong fire under control dakong alas -4:15 ng umaga at tuluyang na-fire out dakong…
Read MoreAFP TUTULONG SA COAST GUARD SA CYBER SECURITY
HANDANG ayudahan ng Armed Forces of the Philippine ang Philippine Coast Guard na higit pang palakasin ang kanilang cyber security matapos na ilang ulit na tangkain silang pasukin ang illegal hackers. Inihayag ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, isang internationally known cyber security expert, nakahanda ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na tulungan ang Philippine Coast. Handa rin umano ang AFP na magpaabot ng tulong maging sa iba pang ahensya ng gobyerno kahit walang kaugnayan sa national security concern ang isyu. Magugunitang dalawang beses na sinalakay ng hackers ang facebook…
Read MoreTOP PH OFFICIALS NAGTALA NG HIGH TRUST, APPROVAL- RPMD
INILABAS ang “Boses ng Bayan” nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na ginanap noong March 18-23, 2024 na masusing nagsusuri sa “trust”” and “job approval” ratings ng mga “top government officials” sa bansa at lumitaw ang pangkalahatang positibong pagtingin sa pamumuno sa gitna ng populasyon ng mga Pilipino. Lumabas sa independent at non-commissioned survey na nakatanggap si President Bongbong Marcos Jr. ng mataas na “trust” 79% at “approval” 76% ratings. Nakamit naman Vice President Sara Duterte ang impresibong rating na 77% “trust” at 74% “approval”. Nakakuha naman…
Read MoreAFP TAHIMIK SA UMANO’Y PAGDATING NG 400 CONTAINER VANS NG FOREIGN MILITARY HARDWARE
HINDI kinumpirma ng Armed Forces of the Philippine ang napaulat na pagdating ng umano’y mahigit 400 container vans ng United States at France na naglalaman umano ng military hardwares at mga kagamitang pandigma. Ito ay matapos na kumalat ang isang video footage sa pagdating ng umano’y military equipment sa Subic Bay na nakatakdang gamitin sa Balikatan war exercises na sasalihan ng US, France at Pilipinas na sasaksihan ng 14 iba pang bansa. Ayon kay Balikatan 2024 executive agent, Col. Michael Logico, “I cannot confirm that, you have to do your…
Read More