CAVITE – Minalas ang isang 35-anyos na babae nang mahagip ng isang pampasaherong jeep sa gilid ng kalsada sa Gen. Trias City sa lalawigang ito.
Isinugod sa Gen. Trias Maternity Hospital ang biktimang si Jocelyn Fulgencio ngunit dakong ala-1:30 ng umaga nang ideklara itong patay na.
Hawak na ng pulisya ang driver ng ng Isuzu jeepney na may plakang DLH 411, na si Rodrigo Puri, 26-anyos.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Cristopher Dumlao ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-12:05 ng madaling araw nitong Sabado nang mangyari ang insidente.
Habang nakatayo ang biktima sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyan nang mahagip ng minamanehong sasakyan ni Puri.
Napuruhan ang biktima na nagresulta sa kanyang kamatayan. (SIGFRED ADSUARA)
287
