BABAENG DALAW SA JAIL, TIMBOG SA SHABU SA ARI

QUEZON – Hindi nakalusot ang isang babae na nagtangkang magpuslit ng ilegal na droga na inilagay sa kanyang ari, papasok sa kulungan matapos masabat ng mga jail guard sa BJMP Pagbilao District Jail, sa Talipan, sa bayan ng Pagbilao noong Huwebes ng hapon.

Ayon sa report ng Pagbilao Police, bandang alas -2:30 ng ng hapon nang tangkaing ipuslit ng 41-anyos na suspek na si Chairmaine Loreto, residente ng Lucena City, ang walong sachet ng shabu na binalot sa electrical tape at ipinasok sa kanyang ari.

Subalit napansin ito ng lady jail guard na nagsasagawa ng inspeksyon sa papasok na mga dalaw.

Sa pagsusuri ng mga awtoridad, nasa 38.77 grams ang timbang ng illegal drugs at tinatayang may street value na P90,908.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na hindi para sa isang inmate lamang ang nakumpiskang illegal drugs kundi para sa illegal drug trade na nangyayari sa loob mismo ng BJMP.

Ayon pa sa pulisya, ang naarestong suspek ay makailang beses nang naaresto dahil sa kasong may kinalaman sa illegal drugs.

Nakatakda itong muling sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 and Section 11 ng Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (NILOU DEL CARMEN)

147

Related posts

Leave a Comment