(Fernan Angeles)
BALIK-operasyon na naman ang sindikatong kinabibilangan ng ilang tiwaling opisyal sa pangunahing paliparan ng bansa.
Sa eksklusibong panayam sa isang kawani ng Ninoy Aquino International Airport, kumpirmadong pasok na naman ang sindikatong dating nagmaniobra sa sapilitang paniningil sa mga balikbayan para umano sa COVID-19 testing gamit lamang ay antigen test kits.
Sa kanilang pagbabalik-operasyon, kakaibang gimik naman ang kanilang ginagamit na estilo.
Ayaw umanong kilalanin sa nasabing paliparan ang mga vaccine ID na inisyu ng Estados Unidos, sa kabila ng pahayag ng Palasyo na una nang nagsabing pitong araw lamang ang ilalagi ng mga balikbayan na makapagpepresinta ng vaccine ID na patunay na sila ay kumpleto na sa bakuna.
Dagdag pa, tanging mga patunay ng pagiging fully-vaccinated sa Pilipinas ang kinikilala sa nasabing paliparan.
Aniya, kailangan umulit ng bakuna ang mga ito, kasabay ng kwenta kung magkano ang aabutin para maisaayos ang kanilang schedule para sa panibagong bakuna.
Ayon pa sa impormante ng SAKSI Ngayon, ito ang gimik ng mga tiwali sa kanilang ahensiya — ang gipitin ang mga balikbayan upang maobligang “bumigay” ang mga pasaherong ayaw nang mag-quarantine ng higit pa sa pitong araw.
Lumalaro umano sa P30,000 hanggang P50,000 ang isinusuka ng kada indibidwal mula sa Estados Unidos na ayaw nang maabala.
Tinatayang nasa 1,500 Pilipinong balikbayan kada araw ang dumarating sa nasabing paliparan.
“Ipagpalagay nating trenta porsiyento na lang ng 1,500 balikbayang lumalapag kada araw ang kumagat sa modus nila, tumataginting na P30 milyon kada araw ang pasok sa bulsa nila,” sambit pa ng nasabing kawaning nakatalaga sa arrival area ng NAIA.
Ang pagbubunyag ng impormante ay pagkumpirma sa reklamo ng isa sa mga balikbayang hindi kumagat sa modus ng mga tiwali umano sa NAIA.
Aniya, nakadidismayang bumalik sa Pilipinas lalo pa’t perwisyo at abala agad ang sumasalubong sa kanila bago pa man sila lumabas ng eroplanong kanilang sinakyan pauwi sa Pilipinas.
Narito ang bahagi ng kanyang reklamo:
“For those abroad, or with relatives abroad, wishing to come to the Philippines; a personal account of someone who just arrived at NAIA from the US:
“It is such a hassle to arrive in the Philippines from abroad.
As soon as plane arrives, we have to wait INSIDE the airplane for a doctor & his staff to check everyone’s temperature and vaccination records. The most STUPID thing is that vaccination from the USA is not considered as grounds for a shorter quarantine of 7 days. Only vaccinations in the Philippines can grant you 7 days!
I showed the doctor my single Makati Med vaccine shot and 2 Pfizer shots from the US. He has to follow rules daw, even as he understands my position, so, 10 days quarntn! Told him that starting June 16, supposedly vaccinations from abroad would merit 7 days quarntine only. Finally, he gave me 2 email addresses where I can appeal our case for shorter quarantine!
Then, we had to go down and be ushered to the airport room where THEY MADE SURE that we PRE-PAY the SWAB test to be conducted on the 7th day!
The clear money maker is that WE PAY this DETOXICARE company na never-heard! We found out that Detoxicare contracts out the job: for example, one of them is Makati Med! They are Agents only! Ay naku!
Since we are on quarantine, we cannot take outside transpo… so, we asked a hotel for a Sedan or equiv transpo, the cheapest of which cost P2200. A van costs 3500.
They contracted ALL TRANSFERS to an outside company or companies… not from d hotel! Our pick up was done by a company owned by a certain Cecilia Castañeda. Maybe crony ni Dut or his cohorts. Pangwarta na naman! They think siguro that we are all so stupid… I don’t know exactly what… but THEY ARE STUPID to think that way!
165 