14 BANSA MAGSISILBING OBSERVERS SA 2024 PHL-US BALIKATAN EXERCISES

AABOT sa 14 bansa ang dadalo at magmamasid sa isasagawang pinakamalaking war exercise sa pagitan ng Pilipinas at ng United States kaugnay sa taunang Joint Balikatan Exercises.

Ayon kay Col. Michael Logico, executive agent ng Phil-US Balikatan 2024, bukod sa foreign observers, sasali rin sa offensive maritime drill ang isang Frigate ng French Navy.

Nabatid na ang gaganaping malakihang pagsasanay na may kaakibat na live fire exercise, maritime patrol, at tatampukan ng sinking exercise, ay sasalihan ng11,000 sundalo mula sa U.S. Armed Forces habang limang libong sundalo naman mula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ayon kay Col. Logico, bahagi ng pagsasanay ang gagawing group sail sa lampas 12 nautical miles sa karagatang sakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea kasama ang isang war ship ng French navy.

Ang pagpapalubog ng isang decommissioned ship ng Philippine Navy ay gagawin sa Laoag, Ilocos Norte.

Nilinaw naman ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang bansang pinatutungkulan sa isasagawang malakihang pagsasanay sa darating na Abril 22, 2024.

“All countries, big or small, have the right to defend themselves, this right is absolute and inalienable. We are not deterred by how other countries think about what we are doing, ok, I want to make that clear, you cannot defend the country worried about what other people are thinking. so they will have to pick it as it is,” ayon kay Col. Michael Logico, spokesperson ng Balikatan 24.

Magugunitang inalmahan ng China ang pagbisita sa Malakanyang ni U.S. State Secretary Antony Blinken na siniguro ang matibay na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos, dahil nagsisilbi umano itong sulsol sa sigalot sa West Philippine Sea, na hindi naman sila kasali at labas ito sa region.

(JESSE KABEL RUIZ)

375

Related posts

Leave a Comment