TAIWANESE INARESTO SA COMPANY FRAUD

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa pagkakasangkot sa company fraud.

Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU), kinilala ang dayuhan na si Chang Chia Wei, 42, inaresto sa kanyang bahay sa Bamban, Tarlac, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng BI Board of Commissioners noong

Nobyembre 2021, noong siya ay inisyuhan ng deportation order dahil sa pagiging undesirable alien.

Hiniling ng Taipei Economic and Cultural Office na arestuhin ang suspek at i-deport sa Taiwan para maharap nito ang kanyang kaso.

Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, inisyu ng Shin District Prosecutor’s Office sa Taiwan, ang warrant of arrest laban kay Chang dahil sa kasong paglabag sa Company Act.

Sinasabing si Chang ay miyembro ng criminal syndicate na ginagamit ang kanyang personal bank account at dini-deposit ang kanyang mga kinikita mula sa mga illegal na gawain simula pa noong 2015.

Bukod dito, sinabi pa ni Sy na ang dayuhan ay isa nang undocumented alien dahil ang pasaporte nito ay paso na simula pa noong Nobyembre ng nakaraang taon.

(JOCELYN DOMENDEN)

 

76

Related posts

Leave a Comment