2 MANGINGISDA NASAGIP NG PCG, 4 PA MISSING

SURIGAO DEL NORTE – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawa sa anim na nawawalang mangingisda sa lalawigan.

Base sa imbestigasyon, ang anim na mangingisda ay umalis mula sa Barangay Canlanipa, Surigao City, alas-5:00 ng hapon noong Pebrero 28 para mangisda sa karagatang sakop ng Limasawa Island.

Habang naglalayag sa karagatan ng San Ricardo, Southern Leyte noong Pebrero 29, nakasalubong nila ang maalong bahagi ng karagatan dahilan para masira ang harapan ng kanilang bangka at pinasok ng tubig.

Kinilala ang mga nasagip na sina Jesmar Besing, 36, at Joseph Mapalo, 35, na lumangoy hanggang matangay ng alon sa karagatan ng Bohol.

Tiyempo namang napadaan ang FBCA Golden Top 888 sa nasabing baybayin at namataan ang mga mangingisda kaya agad silang sinagip.

Nagpapatuloy ang koordinasyon ng Coast Guard Station Surigao del Norte sa concerned government agencies at maritime stakeholders para sa paghahanap sa apat pang nawawalang mangingisda.

(JOCELYN DOMENDEN)

37

Related posts

Leave a Comment