2 PATAY SA SUNOG SA BOARDING HOUSE

ILOILO CITY – Patay ang isang estudyante at isang call center agent sa sunog na sumiklab sa residential area sa Brgy. San Nicolas, sa bayan ng La Paz noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Lynrose Sobretodo, 26, call center agent, taga Bayan ng Pototan, Iloilo, at Renz David Aguilar, 21-anyos, 3rd year Civil Engineering student sa University of San Agustin.

Ang dalawa ay nakulong sa kani-kanilang kuwarto sa nasunog na boarding house sa nasabing lugar.

Ayon sa BFP-Iloilo, posibleng natutulog ang dalawa nang sumiklab ang sunog bandang alas-4:00 ng hapon kaya hindi agad nakalabas.

Apat na boardinghouse ang natupok ng apoy sa nasabing lugar, kabilang ang dalawang ganap na nasunog at dalawang partially damage.

(NILOU DEL CARMEN)

146

Related posts

Leave a Comment