2 SUGATAN SA TRAILER TRUCK VS JEEP

KAPWA isinugod sa pagamutan ang driver ng trailer truck at ng jeep, makaraang magkabangaan sa northbound lane ng Mel Lopez Boulevard sa panulukan ng Moriones Street, Tondo, Manila noong Martes ng hapon.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon palabas ang driver ng jeep na si Manuelito Bartolome kaya isinugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center, habang si Marcial Rosadiño, driver ng trailer truck, ay isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Base sa ulat na isinumite ni Police Staff Sergeant John Patrick Caraunguian kay Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-1:45 ng hapon nang mangyari ang insidente sa lugar.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, habang tinatahak ni Rosadiño ang kahabaan ng Mel Lopez Boulevard sa northbound lane, nang mabangga nito ang kanang bahagi ng jeep.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon palabas si Bartolome habang ang trailer truck ay sumalpok sa poste at nadamay ang isang bahay.

Kapwa inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang driver habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

(RENE CRISOSTOMO)

248

Related posts

Leave a Comment