3 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

APAT ang sugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Aurora Boulevard sa panulukan ng Blumentritt Road, Sta. Cruz, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa ulat, bandang alas-12:07 ng madaling araw nang magkarambola ang tatlong sasakyan na kinabibilangan ng Toyota Wigo, Honda Click motorcycle, at Yamaha Aerox.

Sugatan ang apat na mga biktima na pawang sakay ng nasabing mga sasakyan.

Base sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, Jr., hepe ng Vehicular Traffic Investigation Section (VTS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bigla umanong huminto ang Toyota Wigo na minamaneho ng isang Sonny Lao, Jr., sa tapat ng traffic sign.

Bunsod nito, magkasunod namang bumangga rito ang dalawang motorsiklo na ikinasugat ng apat katao.

(RENE CRISOSTOMO)

53

Related posts

Leave a Comment