4 rescuers hinahanap pa MISSING ALUMINUM BOAT NATAGPUAN NA

NATAGPUAN na ang aluminum boat na kinalululanan ng apat na nawawalang rescuers ng Philippine Coast Guard (PCG).

Gayunman, bigo pa ring matagpuan ang nawawalang mga rescuer na tutulong sana sa mga tripulante ng isang tug boat sa Barangay Fuga, Aparri, Cagayan.

Base sa ulat ng Coast Guard District North Eastern Luzon, namataan ng MV Eagle Ferry ang aluminum boat sa karagatang sakop ng Calayan Island.

Salaysay ng kapitan, nakita nila itong palutang-lutang, pitong milya mula sa naturang isla.

Hindi naman tumitigil ang PCG sa paghahanap sa kanilang mga tauhan na nawala sa kasagsagan ng bagyong “Egay” noong nakaraang Hulyo 26.

Ayon pa sa PCG, nagpapatuloy ang isinasagawang malawakang aerial and surface search and rescue (SAR) operations. (RENE CRISOSTOMO)

52

Related posts

Leave a Comment