4 TULAK ARESTADO SA P6.8-M SHABU

NASAMSAM ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang isang kilo ng shabu sa isinagawang anti-narcotics operation sa harapan ng isang kilalang food chain sa Barangay 76, Pasay City noong Huwebes hapon.

Ayon sa PDEA Regional Office IV-A, nanguna sa ikinasang buy-bust operation, tinatayang P6.8 milyong halaga ng droga na nakasilid sa isang tea box ang kanilang nakuha sa inilatag na bitag.

Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, arestado ng kanyang mga tauhan ang apat na mga suspek sa isinagawang buy-bust operation.

Ayon sa ulat, bandang ala-1:10 ng hapon nang ipinatupad ng mga tauhan ng PDEA RO IV-A RSET 2, RSET 1 at PDEA NCR RSET 1, PDEA SDO, Substation 5 Pasay CPS, PDEG SOU NCR at NCR RDEU ang buy-bust operation sa parking lot ng isang food chain sa Pasay City.

Pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 in relation to section 26 parag b, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang apat na drug personalities na kinilalang sina Saint Charles Binauhan Sapphire, Kenn Andrada Binauhan, Asima Lakman, at Albaina Pudong y Aman.

(JESSE KABEL RUIZ)

351

Related posts

Leave a Comment