5 SUGATAN SA MAGNITUDE 6.3 QUAKE SA CAGAYAN

LIMA ang sugatan, dalawa rito ang nasa malubhang kalagayan, matapos yanigin ng magnitude 6.3 earthquake ang Dalupiri Island, Calayan, Cagayan noong Martes gabi.

Batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) kahapon, walang reported death kasunod ng paglindol maliban sa limang nasaktan.

Ayon kay Diego Mariano, pinuno ng Disaster Communications Unit ng OCD, ang lima ay iniulat na nabagsakan ng gumuhong pader. Bahagyang nasugatan lang ang tatlo, habang brain trauma at concussion ang dinanas ng dalawa.

Sa huling ulat ng OCD, walang iniulat na namatay at walang naitalang major damage sa imprastraktura ang lindol.

Subalit nagpapatuloy ang isinasagawang monitoring at assessment sa sitwasyon ng OCD Region 2, kasama ang Cagayan at Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Sa isinumiteng ulat sa NDRRMC, bandang alas-7:00 ng gabi nang magsimulang maramdaman ang pagyanig sa bayan ng Dalupiri na naramdaman din sa mga kalapit na munisipalidad, sa lakas na naitalang nasa Intensity 4.

(JESSE KABEL RUIZ)

350

Related posts

Leave a Comment