73-ANYOS NA LOLA PATAY SA SUNOG SA BATANGAS CITY

BATANGAS CITY – Patay ang isang 73-anyos na lola nang makulong sa nasunog niyang bahay sa Brgy. Calicanto sa lungsod noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Ludivina Espirito, na ayon sa mga awtoridad ay nag-iisang nakatira sa bahay.

Natagpuan ng nagrespondeng mga tauhan ng Batangas BFP ang sunog na katawan nito malapit sa hagdan kaya hinala ng mga imbestigador ay nadulas ito habang pababa para lumabas.

Nagsimula ang sunog mag-aalas-6:00 ng umaga sa kusina ng bahay na yari sa semento at kahoy na hinihila ng mga taga BFP na dahil sa isang naiwang nakasinding kandila.

Nadamay sa insidente ang katabing bahay nito na pag-aari ni Arsenio Macalalad.

Idineklarang fire-out ng Batangas City BFP ang sunog dakong alas-6:48 ng umaga.

Tinatayang umabot sa P500,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian sa insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

55

Related posts

Leave a Comment