Akala ay kanyang mister GINANG MUNTIK MA-RAPE NG TIYUHIN

QUEZON – Isang 26-anyos na ginang ang muntik nang magahasa ng kanyang tiyuhin habang natutulog sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Barangay Rizal, sa bayan ng Panukulan sa lalawigang ito.

Nahaharap sa kasong attempted rape ng suspek na si Amado Venida matapos na ipagharap ng sumbong ng biktima sa Panukulan Police Station noong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa biktima, nangyari ang insidente noong nakaraang buwan. Habang natutulog aniya siya sa kwarto nang maramdamang may humihipo at yumayakap sa kanya at kalaunan ay pumatong sa kanyang katawan.

Sa pag-aakalang ang kanyang mister ang kaulayaw ay sandaling nagpaubaya ang ginang.

Subalit laking gulat niya nang pagmulat ng kanyang mata ay ang kanyang tiyuhin ang nakakubabaw sa kanya.

Bigla itong nagsisigaw dahilan para tumakbo ang walang saplot na suspek.

Inihahanda na ng Panukulan Police ang pagsasampa ng  kaso laban sa suspek. (NILOU DEL CARMEN)

12

Related posts

Leave a Comment