Anak ayaw ibigay ng dating misis LALAKI TUMALON MULA SA 13TH FLOOR NG CONDO

PATAY ang isang lalaki makaraang tumalon mula sa ika-13 palapag ng isang condominium sa Earnshaw Street, Sampaloc, Manila noong Linggo ng hapon.

Nagkabali-bali ang mga braso at nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang tinatayang 25 hanggang 30-anyos.

Napag-alaman, nakatanggap ng ulat si Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14, mula sa mga tauhan ng University Belt Area (UBA) Police Community Precinct, hinggil sa tawag ng isang security guard na may tumalon mula sa ika-13 palapag ng Leashaw Lucky Dormitory sa Earnshaw Street, Barangay 405, Sampaloc, Manila.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bigla umanong pumasok sa condo ang biktima kaya sinita ito ng security guard na si Almar Jundam, 33-anyos.

Sinabi umano ng biktima na may pupuntahan siya sa itaas ngunit sinundan ito ng security guard gayunman dali-daling sumakay ang lalaki sa elevator.

Pagdating sa ika-11 palapag, isang 23-anyos na residente ng condo ang umaawat sa umano’y tangkang pagpapakamatay ng biktima. Gayunman, tumuloy ang biktima sa ika-13 palapag at biglang tumalon.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na dayo lamang sa condo ang biktima at umano’y hiniwalayan ng kanyang misis dahil sa madalas nilang pag-aaway.

Labis umanong dinamdam ng biktima na hindi ibinibigay ng kanyang dating misis ang kanilang anak naging dahilan ng pagpapakamatay nito.

(RENE CRISOSTOMO)

433

Related posts

Leave a Comment