ASSETS NI VP SARA PINAG-IINITAN

(CHRISTIAN DALE)

NATAWA na lamang si Vice President Sara Duterte nang malaman na iniimbestigahan na siya ng National Bureau of Investigation’s (NBI) hinggil sa paglabag niya di umano sa Anti-Terrorism Act na malinaw na para lamang ma-access ang kanyang ‘assets at mga ari-arian.’

“Natatawa ako sa violations on the anti-terror law kasi sinusubukan nila to reach sa aking properties and assets,” ang sinabi ni VP Sara sa isang press conference.

Ganito rin aniya ang ginawa sa pinatalsik na si Negros Oriental congressman Arnulfo “Arnie” Teves Jr.

Matatandaang noong 2023, idineklarang terorista ng Anti-Terrorism Council si Teves at 12 iba pa, tinukoy ang ilan na di umano’y pagpatay at harassment sa Negros Oriental.

Binansagan si Teves bilang mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo noong Marso 4.

“Kasi itong violation na ito ng anti-terrorism law ginawa nila ito kay Congressman Arnie Teves so they have a playbook on what you do to a person na kakasuhan mo ng anti-terrorism,” ang sinabi ni VP Sara.

Aniya pa, ang pasaporte ng isang taong nahaharap sa paglabag sa anti-terrorism law ay kanselado. Ilalagay rin ang mga ito sa Interpol red notice at mahaharap sa Anti-Money Laundering violation charges.

Idinagdag pa nito na ang search warrant ay ihahain para makapasok sa properties ng taong hinainan nito at maaaring magtanim ng armas at ilegal na droga para gamitin bilang ebidensya laban sa akusado.

Wala Nang Balikan

Kaugnay nito, tila puno ng katiyakan na sinabi ni VP Sara na walang pag-aayos na magaganap sa kanila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at umabot na sila sa “point of no return.”

“I believe we reached the point of no return and it is clear na [that] they are really going after me,” ang sinabi ni VP Sara sa isang press briefing.

Sinabi pa niya na target ni House Speaker Martin Romualdez, pinsan ni Pangulong Marcos ang pagkapangulo.

“They can always try na mag-impeachment…They can always gumastos at magwaldas ng pera ng gobyerno para i-impeach ang vice president…Let’s see. If I get impeached, that is my end. Tapos,” dagdag na wika ni VP Sara.

46

Related posts

Leave a Comment