NAIS masiguro ni Rizal 4th District Rep. Juan Fidel Felipe Nograles na maabot ang bawat mamamayan ng Montalban ng nararapat na serbisyo publiko kaya patuloy ang kanyang inisyatiba katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang “Tulong Pinansyal sa Montalban” na programa ng mambabatas kabahagi ang DSWD ay naipagkaloob na sa mahigit 1,000 kapus-palad na senior citizens, PWD, kababaihan, kabataang mag-aaral, at mga nawalan ng kabuhayan.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pagkakaloob niya ng financial assistance, medical assistance, burial assistance, educational assistance, at livelihood assistance sa mga residente ng Montalban.
Kamakailan ay binisita rin ni Cong. Nograles ang Greenbreeze Subdivision sa Brgy. San Isidro, kung saan mahigit isang libo katao ang nakausap niya at nabigyan ng iba’t ibang klase ng serbisyo, tulong, at programa.
“Wala pong umuwing luhaan at hindi po tayo titigil hangga’t nakangiti na ang mga natulungan natin sa Brgy. San Isidro,” pagtiyak ni Nograles.
Samantala, hangad din ni Nograles na isulong ang kapakanan at kalusugan ng kabataan kaya inilunsad niya ang programang TEENDig Kabataan sa San Jose National High School katuwang ang DOH at DepEd.
“Sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical equipment, maisusulong natin ang malawak na sistema ng pangangalaga sa kabuuang kalusugan ng ating kabataan. Ang pagpapataas ng kalidad ng pangkalusugang pasilidad tulad ng panibagong TEENDig Center ay malaking tulong para sa bawat mag-aaral at guro ng San Jose National High School, ” ayon pa kay Nograles.
Kamakailan lang, nagkaroon ng pay outs sa mahigit limang daang estudyante ng University of Rizal System (URS) sa Brgy. San Jose na mga benepisyaryo ng scholarship program ni Nograles.
Ang scholarship ni Nograles katuwang ang Commission on Higher Education (CHEd) at UNIFAST ay nagbibigay ng P15,000 kada dalawang semester sa bawat estudyante ng URS.
(JOEL O. AMONGO)
415