BABAE BINOGA HABANG NATUTULOG

CAVITE – Tuluyan nang hindi nagising ang isang 37-anyos na babae nang barilin ng ‘di kilalang suspek habang natutulog sa bahay ng kanyang kaibigan sa Dasmariñas City, noong Miyerkoles ng umaga

Kinilala ang biktimang si Rio Baldisimo, hiwalay sa asawa at residente ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Christopher Postrero, dakong alas-6:30 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa Police Community Precinct 4, Dasmariñas City Police Station, hinggil sa isang babaeng binaril sa Brgy. Paliparan 3.

Napag-alaman, natutulog umano ang biktima sa sala ng bahay ng isang kaibigang babae nang pumasok ang hindi kilalang suspek at ito ay binaril sa ulo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa posibleng motibo sa krimen.

(SIGFRED ADSUARA)

165

Related posts

Leave a Comment