BARANGAY KAGAWAD PATAY SA PAMAMARIL SA LEYTE

LEYTE – Patay ang isang barangay kagawad matapos tambangan ng hindi kilalang mga suspek sa Sitio Banahaw, Brgy. Tugas, sa bayan ng Tabango, sa lalawigan noong Martes ng gabi.

Kinilala ng Tabango Police ang biktimang si Ronald Palacio, kagawad ng Barangay Sta. Rosa sa naturang bayan.

Ayon sa report ng Police Regional Office 8, dakong alas-7:45 noong Martes ng gabi, sakay ng motorsiklo ang biktima mula sa town proper ng kanilang bayan pauwi sa kanilang barangay, nang bigla itong pagbabarilin ng mga suspek.

Dead on the spot ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa katawan habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung ano ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

48

Related posts

Leave a Comment