HINIGPITAN ang seguridad sa loob at labas ng Batasan Pambansa Complex matapos umanong makatanggap ng bomb threats ang ilang mambabatas at staff ng mga ito.
Sa ambush interview kay House Secretary General Reginald Velasco, asahan aniya na muling magpapatupad ng ‘heightened security measures” dahil sa banta na natatanggap ng mga kongresista na hindi na niya pinangalanan.
“There have been threats being received by members. Members of Congress, by employees, by staff, from groups,” matapos maglabas ito ng memo ukol sa pagpapatupad ng mas mahigit na security measures sa loob at labas ng Batasan Pambansa Complex.
“The security has been tightened. So we just want to protect the members of the House of Representatives and staff and employees of the House from any untoward incidents,” dagdag pa nito.
Hindi na idinetalye ng opisyal ang uri ng banta na natatanggap ng ilang mambabatas, “Basta sinasabi lang na baka bombahin itong House of Representatives” kaya kailangang seryosohin aniya ito.
Bagama’t kahapon lamang inilabas ang Memo ay sinimulan na umanong ipatupad ng House Sgt-at-arms ang mahigpit na seguridad noong weekend dahil hindi lamang ang loob ang dapat bantayan kundi ang paligid ng complex.
Kabilang sa security measures na ipatutupad ay pagsusuri sa lahat ng mga sasakyan na papasok sa complex habang nag-deploy na rin ng mga security sa bakuran lalo na’t may riders umano na umaali-aligid.
“Ni-report sa akin ng security. There were some motorcycles going around the premises. Kaya pinagbawal na naman ‘yung motorcycles being parked in front of any buildings. So we have designated a special parking area for motorcycles,” ani Velasco sa mga mamamahayag.
“And then for those deliveries, we have instructed our security that delivery men should stay at the gate. And then the goods or supplies will just be picked up by the representatives of the members or employees. Dati kasi we allowed them to come in,” ayon pa rito.
Gayunman, nang tanungin ang Philippine National Police (PNP), wala umanong report na natanggap ang Quezon City Police District kaugnay ng bomb threat sa Batasan.
(BERNARD TAGUINOD)
101