BBM KATAWA-TAWA KAPAG BUMIGAY KAY QUIBOLOY – SOLON

MAGIGING katawa-tawa sa mundo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kapag bumigay sa mga kondisyon ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy kapalit ng kanyang paglantad at pagharap sa kanyang mga kaso.

Pahayag ito ni ACT party-list Rep. France Castro matapos sabihin ni Quiboloy na susuko lamang ito kung bibigyan ng garantiya ng Marcos administration na hindi makikialam ang Estados Unidos.

“Quiboloy is thumbing his nose at the Marcos administration and if it accedes to his demands, then it would be the laughing stock of the international community for having a justice system that can be bullied,” ani Castro.

Itinuturing na bilang fugitive o wanted si Quiboloy matapos mabigo ang National Bureau of Investigation (NBI) na isilbi ang arrest warrant na inisyu ng Davao City Regional Trial Court kaugnay ng isinampang Child Abuse case laban sa kanya at iba pang workers ng KOJC.

Dalawang araw bago pumunta sa KOJC compound ang mga otoridad ay nagsalita si Quiboloy na hindi ito susuko hangga’t walang garantiya na hindi sila gagalawin ng Amerika kung saan meron siyang nakabinbing arrest warrant.

Ayon pa kay Castro, ipinapakita lamang ni Quiboloy na umiiral ang double standard sa mga tulad niyang nahaharap sa mabibigat na kaso na hindi kayang hilingin ng mga ordinaryong mamamayan na may mga kinakaharap ding asunto sa korte.

“Quiboloy should just face the charges against him here and in the US to prove if he is indeed innocent. He should also attend the hearings in Congress and the Senate instead of just being a fugitive. Sa pagtatago nya lalo lang lumalakas ang argumento na mukhang guilty talaga siya,” hamon ni Castro.

“We urge Quiboloy to face the case against him and dispel any doubts regarding his innocence. Demanding guarantees only perpetuates the perception of guilt. Justice should prevail, and he should face the legal process without further delay,” dagdag pa ng mambabatas.

(BERNARD TAGUINOD)

33

Related posts

Leave a Comment