BINATA ARESTADO SA MURDER

ARESTADO ang isang 31-anyos na suspek sa kasong murder sa lungsod ng Makati, makaraang matunton sa pinagtataguan nito sa Tanza, Cavite.

Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Intelligence Division ng Manila Police District, ang suspek na si Jimwell Bondoc, residente ng Sampaloc, Manila.

Base sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU), bandang alas-10:06 ng umaga noong Miyerkoles nang arestuhin ang suspek sa Barangay Sanja Mayor, Tanza, Cavite.

Inaresto ang suspek ng tauhan ng DPIOU, kasama ang grupo ng MDIT ng RIU ng NCR, sa pangunguna ni Police Captain Pierre Jamil Datong, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Augusto Jose YParraguirre Areza, ng Regional Trial Court Branch 233 ng Makati City, dahil sa kasong murder.

(RENE CRISOSTOMO)

196

Related posts

Leave a Comment