BINATA INUTAS SA COMPUTER SHOP

PATAY ang isang 27-anyos na binata makaraang undayan ng saksak ng hindi kilalang suspek sa loob ng isang computer shop sa Dayao St., Tondo, Manila noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Dan Mark Caliweng, residente ng Barangay 128 sa Tondo.

Hindi naman nakilala ang suspek na nakita sa CCTV habang tumatakas.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Boy Niño Baladjay kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-10:30 ng gabi nang mangyari ang insidente.

Iniulat ang insidente sa pulisya ni Roberto Velasquez Sr., chairman ng Barangay 129, Zone 10.

Isinugod ang biktima sa Tondo Medical Center ngunit dakong 1:25 ng madaling araw nitong Martes ay nalagutan ito ng hininga.

(RENE CRISOSTOMO)

28

Related posts

Leave a Comment