BRGY. CAPTAIN BINARIL MATAPOS MAG-FILE NG COC

ALBAY – Patay ang isang incumbent barangay chairman matapos barilin ng dalawang hindi kilalang gunmen makaraang mag-file ng certificate of candidacy (COC) sa bayan ng Libon, sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Alex Enriquez Repato, 51, chairman at residente ng Barangay San Jose, Libon.

Ayon sa report ng Area Police Command – Southern Luzon (APC-SL), kakarating lamang ng biktima sa kanyang bahay galing sa pag-file ng COC sa Comelec office, nang barilin ng dalawang suspek dakong alas-5:20 ng hapon.

Ayon sa ulat, inabangan ito ng mga suspek at saka binaril sa harap ng kanyang bahay na agad nitong ikinamatay.

(NILOU DEL CARMEN)

294

Related posts

Leave a Comment