BULKANG MAYON NAKATAAS PA RIN SA ALERT LEVEL 3

PATULOY na nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkan Mayon habang may mabagal na pagdaloy ng lava sa bunganga nito, iniulat noong Agosto 29 (Martes), ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naitala ang 13 volcanic earthquakes sa paligid ng bulkan sa nakalipas na magdamag.

Sinabi pa ng Phivolcs, natatakpan ng ulap ang tuktok ng Bulkang Mayon at namataan ang panandaliang pamamaga ng bulkan.

Nabatid pa sa Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinoman sa anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Kaugnay nito, sinabi ng ahensya na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng anomang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.

Ayon pa sa Phivolcs, maaaring mangyari ang mga sumusunod gaya ng pagguho ng bato, pag-itsa ng mga tipak ng lava o bato at pag-agos ng lava, at pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan.

(PAOLO SANTOS)

256

Related posts

Leave a Comment