DALAGA TIMBOG SA ILEGAL NA DROGA

NADAKIP ang isang 27-anyos na dalaga sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila, noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, ang suspek na si alyas “Maan”, residente ng Barangay 20, Tondo, Manila.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Celso Sorita na isinumite kay Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit ng MPD, bandang 7:15 ng gabi, nagsagawa ng “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Area ng Isla Puting Bato ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang isang sachet ng umano’y shabu na may timbang na 3 gramo katumbas ng halagang P20,400.

Nabatid na ang suspek ay kabilang umano sa “Sagnip Criminal Gang” na kilalang lulong sa droga at nagsasagawa ng ilegal na mga aktibidad sa kanilang lugar.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.

(RENE CRISOSTOMO)

249

Related posts

Leave a Comment