DOKTOR HUWAG IUGNAY SA MGA NEGATIBONG ISYU

NANAWAGAN si Bell-Kenz Pharma President and Chief Executive Officer Luis Raymond Go na huwag iuugnay ang mga doktor sa mga negatibong usapin at isyu na ipinupukol sa kanilang kumpanya.

Ayon kay Go, bilang isang doktor ay marami pa nga silang mga pro-bono cases kesa ang kumita o maningil sa kanilang pasyente partikular siya na nagsisilbing cardiologist sa Philippine Heart Center.

“Kami mga doktor, hindi ang kumita ang aming pangunahing layunin kundi ang mapagsilbihan ang mga pasyente, matugunan ang kanilang pangangailangang medikal at gumaling sila sa kanilang sakit o karamdaman,” ani Go.

Iginiit pa ni Go na walang doktor na ayaw gumaling ang kanyang pasyente kaya ibibigay ang lahat at best para gumaling ang mga ito.

Magugunitang sa pagdinig ng Senado ay pinabulaanan ni Go na ang kanilang kumpanya ay isa at nagtataguyod ng MLM o multi-level marketing sa bansa.

Samantala, sinabi naman Atty. Dezery Perlez na isa sa mga abogado ng Bell-Kenz Pharma sa kanyang pagdalo sa lingguhang Kapihan sa Manila Bay, na lubhang apektado na ang mga doktor ukol sa usapin ng multi level marketing (MLM).

Ayon kay Perlez, walang batas na nagbabawal sa isang doktor na magkaroon ng pagmamay-aring ospital, botika, diagnostic center at laboratory clinic.

Dahil dito aniya, walang maituturing na conflict of interest ukol sa mga negosyo ng mga doktor sa kanilang propesyon.

Ibinunyag din ni Perlez na ang ibang doktor ay nalalagay din sa peligro ang buhay dahil ang kanilang seguridad ay nasasakripisyo sa pag-post ng kanilang mga sasakyan at mga mukha sa social media.

Dahil dito, pinag-aaralan na din ng mga doktor ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga malisyosong post sa internet. Bukod dito, sinabi ni Perlez na marami na ring mga doktor ang nakatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay.

57

Related posts

Leave a Comment