DRUG DEN NALANSAG, P57K SHABU NASAMSAM

NABUWAG ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office XI, ang isang drug den sa Purok Carig, Barangay Mankilam, Tagum City at nadakip ang target na drug personality at isang parukyano

Ayon sa report ng mga operatiba kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Emma Latu-ab, alyas “Emma,” 46, nadakip ng PDEA matapos mabilhan ng isang PDEA agent na umaktong poseur buyer, ng isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet ng umano’y methamphetamine hydrochloride o mas kilala bilang shabu, tinatayang tumitimbang ng isang gramo na nagkakahalaga ng P10,000.

Arestado rin ng mga operatiba ang kapartner at kasabwat nito sa pagbebenta ng droga na si Edgar Tilacan, at ang bisita sa drug den na si Rudelyn Parallon.

Nasamsam din sa operasyon ang limang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may iba’t ibang laki na tinatayang nasa pitong gramo, at nagkakahalaga ng P47,600.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban sa mga suspek.

(JESSE KABEL RUIZ)

215

Related posts

Leave a Comment