EPEKTO SA JEEPNEY, TRIKE NG MOTORCYCLE TAXI OPERATION SISILIPIN

TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sisilipin nito ang epekto ng mga operasyon ng motorcycle taxi sa mga serbisyo ng pampublikong transportasyon tulad ng mga jeepney at tricycle.

Ayon kay Atty. Paul Austria, nagsisilbing secretariat ng Technical Working Group (TWG), inatasang mangasiwa sa pagtakbo ng motorcycle taxi, habang may mga transport group na nagrereklamo tungkol dito, kailangan pa ring i-verify ang naturang claim.

“Ito po ‘yung medyo kailangan namin ng additional data. Marami po ang nagsasabi na nawawalan na ng pasahero si ganito, si ganyan. But we have to validate kasi iba pong klaseng mode of transportation ang motorcycle taxi. Unang-una, wala pong ruta ang mga ‘yan and ‘yun pong mga UV, PUV, ‘yan po may mga ruta,” ayon kay Austria.

“Dito tayo mangangailangan ng karagdagang data. Marami ang nagsasabi na ang grupong ito o ang grupong iyon ay nawawalan ng pasahero. Pero kailangan nating i-validate ito dahil ibang moda ng transportasyon ang mga motorcycle taxi. Una, wala silang nakatalagang ruta samantalang ang UV [Express services], PUV [Public Utility Vehicles] ay may sariling ruta.)

Sinabi ni Austria, ang mga natuklasan ng TWG ay isasama sa pinalawak na pilot study na isusumite nito sa House of Representatives sa Mayo 30. Ang pag-aaral ay magsisilbing gabay para sa mga mambabatas sa paggawa nila ng batas na mamamahala sa mga operasyon ng motorcycle taxi sa bansa.

Kaugnay nito, kabilang sa mga nagrereklamo sa pagpapasakay ng mga motorcycle taxi sa kanilang mga pasahero ay ang Taguig Transport Service Cooperative na nagpapatakbo ng mga modernong jeepney.

Samantala, nangangamba ang chairman ng grupo na si Freddie Hernandez, na lalala lamang ang sitwasyon kapag nabigyan ng green light ang mga motorcycle taxi na mag-operate nang pormal at opisyal.

“Napapasok nila ang subdivision, ‘di ba? Imbes na sasakay ng tricycle galing muna sa subdivision, sasakay ng jeep, tapos sasakay ng bus. Hindi na ganun ang nangyayari. Sila na lang ang gagamitin hanggang opisina,” ani Hernandez.

“Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabing ‘pag pasahero ng motorcycle taxi, hindi namin pasahero, magkakaiba kami. Hindi. Kinuha nila ‘yung pasahero namin,” dagdag pa nito.

(PAOLO SANTOS)

35

Related posts

Leave a Comment