EX MAYOR NG TIAONG, QUEZON KINASUHAN NG PERJURY

IPINAGHARAP ng kasong Perjury o Pagsisinungaling si dating Tiaong, Quezon Mayor Ramon Preza sa Lucena City Regional Trial Court Branch 53.

Alinsunod sa resolusyon ng Lucena City Prosecutors Office noong January 11, 2024, ang kaso ay nag-ugat sa sinasabing pagsisinungaling ni Preza nang akusahan niya ng kasong pandaraya at panloloko ang negosyanteng si Frankie Ong sa halagang P50 milyon.

Lumitaw naman sa pagsisiyasat na ang naturang halaga ay personal na pagkakautang lamang ni Ong sa kanya.

Pansamantala namang nakalalaya si Preza matapos maglagak ng P25,000 piyansa batay sa warrant of arrest na inilabas ng korte noong January 19, 2024.

Kung mapatunayang nagkasala si Preza sa kasong perjury, pagkakakulong na hindi bababa sa 6 taon at 1 araw hanggang 10 taon at multang hindi lalampas sa 1 milyong piso ang kanyang kakaharapin.

Una na ring gumulong ang kasong katiwalian na isinampa laban kay Preza sa Office of the Ombudsman dahil sa di umano’y paggamit niya ng kanyang impluwensiya at kapangyarihan noong alkalde pa upang paboran ang ilang negosyo niya.

52

Related posts

Leave a Comment