FISHING BOAT BINANGGA NG BARKO, 1 MISSING, 27 NASAGIP

ORIENTAL MINDORO – Isang mangingisda ang nawawala habang 27 iba pa ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang banggain ang kanilang fishing boat ng hindi nabatid na passenger vessel sa bayan ng Mansalay sa lalawigan.

Ang fishing boat na FB John Michael ay lulan ang 28 mangingisda nang mangyari ang insidente.

Ayon sa Coast Guard Station Oriental Mindoro, nangyari ang insidente sa tinatayang 14 hanggang 16 nautical miles mula sa bayan ng Mansalay.

“Hindi rin sila makapag-maneuver kasi nga meron silang mga hatak-hatak na mga lambat. So nu’ng nakita nila ‘yung barko, nagtalunan po sila lahat,” sabi ni Captain Airland Lapitan, acting commander ng Coast Guard Station Oriental Mindoro.

Iniulat ng Coast Guard na ilang bahagi lamang ng bangka ang nasira at hindi ito lumubog kaya ligtas na nakabalik ang mga mangingisda sa sasakyang-pandagat.

Gayunman, ang 20-anyos na mangingisda ay hindi pa makita kaya naman patuloy ang isinasagawang search and rescue ng coast guard.

(JOCELYN DOMENDEN)

102

Related posts

Leave a Comment